• March 4, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

LALAKI, PATAY SA SUNOG SA PORT AREA

PATAY  ang isang 40-anyos na lalaki sa isang malaking sunog na naganap sa Port Area na umabot sa limang oras .

 

 

Sa pinakahuling update ng Bureau of Fire Protection (BFP)  Huwebes ng tanghali natagpuan ang bangkay ng biktimang nakilalang si Ricky Sebastian, sa mga kabahayang nilamon ng apoy na hinihinalang na-trap sa loob.

 

 

Tinatayang aabot naman sa humigit kumulang sa P3 milyon ang  naaabo sa mga ari-arian at kabahayan.

 

 

Nasa 300 hanggang 500 bahay ang natupok ng apoy habang aabot sa 700 hanggang 1000 pamilya  naman ang nawalan ng tirahan.

 

 

Nauna rito, nagsimula ang sunog sa tinutuluyan ng isang Hadji Usman alyas Junior sa ikaapat na palapag nh  4 storey residential shanty.

 

 

Patuloy pang inaalam ang sanhi ng sunog na umabot sa ikatlong alarma.

 

 

Samantala, nagpaabot na rin ng tulong ang pamahalaang lungsod ng Maynila sa mga apektadong residente. (GENE ADSUARA)