• March 4, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Lalaki na wanted sa carnapping sa Caloocan, inaresto sa loob ng Manila City Jail

SA loob na ng Manila City Jail nakorner ng tumutugis na pulisya ang isang lalaki na wanted sa kaso ng carnaping sa Caloocan City, matapos itong makulong sa hindi nabanggit na kaso.
Batay sa ulat, nakatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ni Northern Police District (NPD) District Director P/BGen. Christopher Dela Cruz na nakakulong sa BJMP-NCR sa Manila City Jail ang 41-anyos na akusado sa hindi nabanggit na kaso.
Kaagad nakipag-ugnayan ang mga tauhan ng NPD District Investigation and Detective Management Division (DIDMD) sa BJMP-NCR Manila City Jail, sa Old Bilibid Compound, Sta. Cruz, Manila, bago isinilbi sa akusado ang warrant of arrest.
Ang arrest warrant ay inisyu ng Caloocan City Regional Trial Court (RTC) Branch 124, noong November 11, 2025 para sa paglabag sa Section 3 ng Republic Act 10883 (Anti-Carnapping Act of 2016) na may inirekomendang piyansa na P300,000.
Pinuri naman ni BGEN Dela Cruz ang matibay na dedikasyon ng arresting team na nagpapalakas aniya ng tiwala ng publiko at hinimok niya ang mga ng NPD na panatilihin ang antas ng pagganap at patuloy na maglingkod sa komunidad nang may kahusayan. (Richard Mesa)