• October 23, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 23, 2025
    Current time: October 23, 2025 9:36 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Lalaki na akusado sa pagmamalupit, panggagahasa sa menor-de-edad, isinelda sa Valenzuela

NAGWAKAS na ang maliligayang araw ng 41-anyos na lalaki na akusado sa ilang ulit na pagmamalupit sa menor-de-edad na babaeng biktima bago ginawan umano ng kahalayan hanggang tuluyang gahasain sa Valenzuela City.

Sa ulat, inilunsad ng mga tauhan ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Josefino Ligan ang manhunt operation laban sa puganteng nagpapakilala sa mga alyas na “Rambo” at “Daddy” nang maglabas ng warrant of arrest ang hukuman matapos ang ginawa niyang pagtatago sa batas.

Dakong alas-7:10 ng gabi nang tuluyang masukol nina P/Capt. Ferdinand Orbeta, hepe ng Intelligence Section ng District Mobile Force Battalion (DMFB) ng NPD ang akusado sa Barangay Malinta, Valenzuela City matapos ang ilang linggong pagtugis sa kanya.

Gumamit ng alternatibong recording device tulad ng cellular phone ang pulisya nang isilbi sa akusado ang warrant of arrest na inilabas ng Valenzuela City Family Court Branch 16 para sa mga kasong isang bilang na Statutory Rape, dalawang bilang na  Sexual Assault, isang bilang ng Acts of Lasciviousness, at apat na bilang na paglabag sa R.A. 7610 o ang Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act.

Ayon kay NPD Public Information Office (NPD) Chief P/Capt. Marcelina Pino, walang piyansang inirekomenda ang korte sa kasong statutory rape laban sa akusado habang may kabuuang piyansang P400,000 sa dalawang bilang na kasong Sexual Assault, P180,000 sa Acts of Lasciviousness at tig-P80,000 kada bilang sa R.A. 7610 para sa pansamantalang paglaya. (Richard Mesa)