• March 9, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

LALAKI, HULI SA PAMBOBOSO SA MAYNILA

ARESTADO ang isang lalaki matapos mahuli na kumukuha ng video sa isang babae na naliligo sa Sta.Ana, Maynila .
Kinilala ang suspek na si Marvin Navarro o alyas ‘Chaka’, 30 anyos residente ng Barangay 773 Sta. Ana.
Sa ulat ng Sta Ana Police Station, napag-alaman na matapos maligo ng biktima at habang inaabot ang kanyang damit at napansin niya ang cellphone sa ceiling ng kanilang palikuran.
Agad itong sumigaw habang napatalon naman pababa ang suspek kung saan agad na naharang at napigilan ng ama na makatakas.
Sa barangay hall nagharap ang dalawa at sinuri ang cellphone ng suspek. Nakita sa “recently deleted” folder ang video na nakuhanan ang biktima habang nabibihis.
Inihahanda na ang kasong paglabag sa Anti-Photo and Video Voyeurism Act of 2009 laban sa suspek na nakatakdang iharap sa Manila Prosecutors Office. (Gene Adsuara)