Lakbayaw Festival sa Tondo dinagsa
- Published on January 19, 2026
- by @peoplesbalita
DINAGSA ng libo libong deboto ng Minor Basilica and Archdiocesan Shrine ng Sto. Niño de Tondo ang nakiisa at sumayaw para sa prusisyon sa Lakbayaw 2026 sa Tondo sa lungsod ng Maynila.
Ang prusisyon ay umikot sa kahabaan ng Ilaya Street sa kanto ng Recto Avenue nitong Sabado ng umaga na tradisyunal na inoobserbahan bilang bahagi ng pagdiriwang sa kapiyestahan ng Sto. Niño de Tondo.
Ang mga deboto ay sabay-sabay na umindak na masayang-masaya habang dala-dala ang imahe ng Sto. Niño sa nasabing prusisyon.
Nabatid na Biyernes pa lamang ay nagsimula na ang Lakbayaw Festival na dinadagsa ng mga deboto at maging mga turista na nakikiisa sa pagdiriwang ng masayang okasyon.
Samantalang todo bantay naman ang Manila Police District sa kaliwa’t kanang aktibidad na tatagal hanggang ngayong araw, Enero 18, ang kapiyestahan ng Sto Niño de Tondo.