• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 8:16 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Lacson: Halos lahat ng senador sa 19th Congress may ‘singit-budget’

NASILIP ni Senador Panfilo Lacson ang mga dokumento na halos lahat ng senador ng 19th Congress ang nagsingit ng daan bilyong piso sa 2025 national budget.

Sinabi ni Lacson na nakita na niya ang listahan ng mga senador sa napakalalaking insertions na maituturing na ‘unprecedented” at mabuti na lamang aniya ay naka ‘for later release (FLR)’ ito o hindi pa nailalabas ang pondo.

Bagama’t wala namang partikular na tinukoy na pangalan si Lacson ng Senador, kaagad niyang iniulat kay Senate President Tito Sotto ang natuklasang mga listahan at patuloy pa rin niya itong pinag-aaralan.

Naniniwala naman si Lacson na divine intervention ang pagkakasunud-sunod na bagyong Crising, Dante at Emong para matuklasan ang mga anomalya sa flood control projects at nagbunsod na rin kay Pa­ngulong Ferdinand Marcos Jr. para paimbestigahan ito at ibulgar noong kanyang State of the Nation Address (SONA).

Nagkataon na rin aniya na nagsasagawa na rin sila ng kanyang mga tauhan tungkol sa anomalya sa flood control projects.

Hindi na rin aniya sana nangyari ang mga ganitong anomalya kung mismong ang mga mambabatas ay nag-self restraint o nabawasan ang kanilang ‘greed’ dahil tila nawili na rin umano sila.
( Daris Jose)