Labis na humanga sa husay ni Direk Brillante… BARBIE, na-challenge sa upcoming movie dahil walang ibinigay na script
- Published on January 29, 2026
- by @peoplesbalita
NAGING malaking hamon para kay Barbie Forteza ang pagganap niya sa kaniyang role sa upcoming movie niya na ‘Until She Remembers’ sa direksyon ni Brillante Mendoza.
Kuwento niya na walang script ang upcoming film nila, kaya naging malaking hamon ito para sa kaniya.
“Challenging siya overall kasi ang aming napakahusay na direktor na si Brillante Mendoza ay wala pong script,” sabi ng aktres.
Pagbabahagi ng Kapuso Primetime Princess, ang tanging binibigay lang sa kanila ay kung ano ang mangyayari sa eksena. Lahat umano ng dialogue ay galing sa kanilang mga aktor.
“One take lang si direk. Ang explanation niya kaya wala siyang script kasi gusto niya, ‘no acting acting’ talaga and very raw ang reactions and emotions ng mga actors,” sabi ni Barbie.
Dagdag pa ng aktres, “So gusto niya, ‘yung reaction mo habang nangyayari yung eksena, ganun din talaga ‘yung mangyayari sa totoong buhay.”
Gagampanan ni Barbie ang role ni Angel, isang 16-year-old na unti-unting natututo tungkol sa iba’t ibang uri ng pagmamahal, kabilang na ang sa kaniyang lola na ginampanan naman ni Charo Santos.
Makakasama rin nila sa pelikula ang star-studded cast na sina Boots Anson-Roa, Angel Aquino, Albert Martinez, Eric Quizon, at Vince Rillon.
Mapapanood ang pelikula sa mga sinehan ngayong February 25.
***
KABILANG ang dating teen actress na si Aiza Marquez sa maraming Pinoy na na-experience ang natinding snowstorm na laganap ngayon sa US East Coast.
More than 11 years nang nakatira sa Queens, New York si Aiza at sanayan lang daw ang lahat, lalo kapag dumating ang sobrang tinding lamig na dala ng Arctic blast.
“Honestly sanayan lang din. Mag-11 years na din ako dito sa NY and this year hindi pa ito yung pinakamalalang naexperience ko.
“The key is tamang layers, yun nga lang at least 3 to 4 layers ang need mo kung ginawin ka kagaya ko. From puffer to fuzzy layer with thermal and another long sleeves. Tapos beanie and gloves. Total gear up talaga to protect you from getting sick. Yung iba nga two layers lang okay na sila!”
Nakakalungkot lang daw kapag may binabalitang may mga namamatay dahil sa sobrang malamig na weather.
“Meron nga ako nakita sa social media ng New York platform. Unfortunately, meron nga kasi ito yung mga homeless talaga na sa kalye talaga natutulog mapa-summer or winter.
“Kung meron man siłang shelter, as far as I heard, matitigas din talaga ulo nila at naglalayas or baka hindi sapat ang space, wala din ako Idea how it works ‘pag dating dyan dito sa NY. Syempre nakaka-feel bad yung kapag nakakapanood ka ng ganoong sitwasyon.”
Pinakamalala raw na snowstorm na na-experience ni Aiza ay noong 2016 dahil three days daw silang hindi makalabas ng bahay.
“Unang experience ko na mataas ang snow as in ang kalye sarado mga between 24 to 27 Inches siguro yun nung 2016 kasi blizzard tapos halos 3 days nonstop sya tapas may hangin pa.”
***
NAGSALITA si David Beckham regarding sa mga nilabas na statements ng anak niyang si Brooklyn na hindi na ito interesadong makipag-reconcile sa pamilya nila.
Ayon kay David: “I’ve always spoke about social media and the power of social media, you know, for the good and for the bad. The bad we’ve talked about with what kids can access these days. And it can be it can be dangerous, but what I’ve found personally, you know, especially with my kids as well, use it for the right reasons.
“I’ve tried to do the same with my children to educate them. They make mistakes. Children are allowed to make mistakes. That’s how they learn. So that’s what I try to teach my kids. but you know, you have to sometimes let them make those mistakes as well.”
Nag-ugat ang hidwaan dahil sa pakikialam diumano nila David at Victoria sa pagsasama nila Brooklyn at misis na si Nicola Peltz.
Rant ni Brooklyn: “I have been silent for years and made every effort to keep these matters private. Unfortunately, my parents and their team have continued to go to the press, leaving me with no choice but to speak for myself and tell the truth about only some of the lies that have been printed. My wife and I do not want a life shaped by image, press, or manipulation. All we want is peace, privacy, and happiness or us and our future family.”
(RUEL J. MENDOZA)