Laban sa multi-bilyong anomalya sa mga flood control projects… SINGSON NANAWAGAN NG PEACEFUL REVOLUTION NG KABATAAN
- Published on September 23, 2025
- by @peoplesbalita
ISANG “Peaceful Revolution” ang panawagan ni business magnate at former Ilocos Sur Governor Chavit Singson sa mga kabataan laban sa multi-bilyong anomalya sa mga flood control projects ng pamahalaan, sa press conference sa Club Filipino sa Green Hills San Juan, City, noong Biyernes, Setyembre 19.
Si Singson, former ally-turned critic of President Marcos, ay mariing nanawagan sa mga mag-aaral na mag-boycott ng kanilang mga klase at lumahok sa mga pagkilos. Gayundin aniya, mahalaga ang suporta ng mga magulang, kasama na ang miyembro ng kapulisan at military na hayaan ang kanilang mga anak na mag-aklas sa mga lansangan at mamuno sa “revolution against corruption”.
“This is the future of the children. Mga kabataan- pabayaan natin sila. Sila ang mag-lead ng revolution para matanggal ang corruption natin,” aniya ni Singson.
Inaasahang libu-libong mga galit at naniningil na Filipino ang dadalo sa mga malawakang protesta sa Luneta Grandstand at Edsa People Power Monument, Linggo, Setyembre 21, 2025. Nangangamba si Singson na maaaring maging magulo at bayolente ang mga pagtitipon. “Ang suggestion ko lang wag na natin pahirapan ang taumbayan. Rally rally baka may manggulo pa. Ang pakiusap ko lang, it will be a peaceful revolution about corruption. Ang mga kabataan, ang mga estudyante, ang magle-lead ng revolution na ito,” sabi niya.
Nanawagan si Singson sa mga kabataan “to stand up because it is their rights. Hindi ito para sa amin. Tumutulong lang po kami sa inyo,” dagdag pa niya. (MRA)