• October 19, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 19, 2025
    Current time: October 19, 2025 6:33 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

La Niña mananalasa ng 6 na buwan – PAGASA

NAGPALABAS ng “La Niña Watch” ang PAGASA dahil sa posibilidad na maranasan ang La Niña sa loob ng susunod na anim na buwan.
Ayon sa PAGASA, sa ngayon ay patuloy pang binabantayan ang El Niño Southern Oscillation (ENSO) sa tropical Pacific at maaaring magpatuloy ang ENSO-neutral hanggang Oktubre.
Gayunman, base sa nakikita nilang model forecasts, tumaas ang posibidad ng pagkakaroon ng short-lived La Niña conditions sa September-October-November season at maaaring tatagal hanggang sa October-November-December season.
Ipinaliwanag ng PAGASA na kapag ang posibilidad na maranasan ang La Niña ay umabot sa 55 percent ay inilalabas na ang “La Niña Watch”.
Ang La Niña ay ang pagkakaroon ng above-average na bilang ng bagyo at maaaring maranasan sa maraming lugar sa bansa ang above-normal rainfall conditions.