• April 21, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kutob at instinct ang basehan sa pagtanggap ng proyekto: JUDY ANN, may pagpapahalaga sa respeto sa isa’t-isa pagdating sa trabaho

ANO ang sekreto na halos 40 years na sa showbiz industry si Judy Ann Santos-Agoncillo at napapanatili niya ang kanyang Superstar at Prime Actress levels?
“Siguro kasi totoo lang!
“Hindi ako nabali ng mga taong ilusyunado’t ilusyunada. Marami yan, hindi ba?
“Hindi rin ako… siguro kasi kaya wala akong takot kasi wala naman nga akong itinatagong ugali or wala akong itinatagong sekreto.
“Basta naman mahal mo yung ginagawa mo at patas kang makipaglaban sa bawat taong kasama mo sa trabaho, malayo naman na tatagal ka talaga kasi you’re always top of mind. That’s one.
“Two, hindi mo sila binibigyan ng sakit ng ulo.
“And three, pag ginawa mo nang tama at higit pa sa tama ang ginawa mo, magkakaroon at magkakaroon ka ng projects.”
Kutob at instinct ang basehan niya sa pagtanggap ng proyekto.
“So ako, lagi ako nakadepende sa kung ano yung kutob ko sa isang project.
“And I make it a point that I just have fun with the cast, with the crew, with the production.
“Kailangan masaya yung set kasi para maganda yung output ng produkto, hindi ba.
“Para maganda yung produkto ilalabas niyo. Kailangan comfortable at masaya kayo sa isa’t isa.”
Para kay Judy Ann, mahalaga ang respeto sa isa’t isa pagdating sa trabaho.
“At totoong nirerespeto niyo yung isa’t-isa,” diin ng aktres.
“Kasi kung may isa doon na hindi ko type or, well, wala pa naman ako… hindi pa naman ako dumadating sa ganun.
“Parang ang hirap gumising sa umaga para pumasok sa isang trabahong hindi mo type, hindi ba?
“So, wala akong… maaaring siguro mas bata-bata pa ako dahil wala akong choice.
“Pero kailangan mo talaga makisama. Makisama ka nang tama, nang totoo, rumespeto.
“Matuto kang rumespeto sa lahat ng mga tao sa paligid mo, mula marshall, mula crowd control, mula utility, talents, crew, director, cast.
“Lahat yan kailangan mong respetuhin.
“Hindi nakakapagod makisama kung maayos kang makisama at kung bukal sa puso mo yung pakikisama. Ang sarap kaya makipag-usap sa tao.
“Kumbaga, yung respetong ibibigay mo, ibabalik naman yan sa ‘yo, e.
“Huwag ka mag-expect ng too much kung hindi ka maayos makisama.”
Bago niyang endorsement ang Tala Philippines na isang online lending app na tumutulong sa mga nais masolusyunan ang kanilang pinansiyal na problema.
“Tala is actually teaching you to be responsible and at the same time empowering you na maniwala ka sa sarili mo, ‘Puwede ito, kaya ito.’
“Pero kailangan mo lang, again, babalik tayo sa hindi tayong puwedeng maging Juan Tamad.
“Kailangan, Juan Masipag tayo kasi pumasok na yung una mong paa sa pintuan ng pangarap mo, e.
“Kailangan mong baguhin ang mindset mo.”Kailangan mong maging responsible para sa pangkabuuan, at the end of the day, malaki yung maiuwi mo. May natutunan ka, naging successful ka pa. You don’t have to start big.”
(ROMMEL L. GONZALES)