Kung ‘yun na lang ang nag-iIsang trabaho… ANGELA at IRISH, papayag na mamasukan bilang ‘lady guard’
- Published on May 31, 2024
- by @peoplesbalita
PAPAYAG daw ang mga Vivamax female stars na sina Angela Morena at Irish Tan na mamasukan bilang mga lady guard sa tunay na buhay, sakaling iyon na ang nag-iisang trabahong maaari nilang pagkakitaan.
Sa ‘Lady Guard’ kasi na available for streaming na sa Vivamax ay gumaganap na mga babaeng guwardiya sina Angela at Irish.
Say ni Irish, “For me siguro kakayanin. Kasi as long na wala ka namang tinatapakang tao tsaka marangal naman po iyang trabahong iyan why not, di ba, kung iyan lang ang option na meron ka.”
“Ah yes po,” umpisang sagot naman ni Angela, basta raw huwag ng kanyang karakter sa Lady Guard na may mga anomalyang ginagawa.
“Kasi sobrang taas po ng respeto ko sa mga lady guards,” sinabi pa ni Angela.
Kaya rin daw nilang harapin ang anumang panganib na kaakibat ng trabaho ng isang guwardiya.
Sabi naman ni Angela, “I think everyday naman po nating kinakaharap yung danger, kaya kahit hindi ka lady guard, as a person or as an individual, and I’m strong and independent naman kailangan talaga maging malakas pagdating po sa buhay natin.”
Sa tanong kung ano ang nais nilang bantayan sa kanilang buhay o sa kanilang sarili mismo, ano iyon at bakit?
“Para sa akin po siguro ang iga-guard ko is yung puso ko,” ang natatawang pakli ni Irish. “Kasi sobrang dami ng napagdaanan tsaka kailangan na talagang protektahan, damaged na damaged na po.”
Paliwanag pa ni Irish, “Sa ex-boyfriend po. Almost ikasal na po ako kaso palpak pa rin po pala. Dapat ikakasal na ako last year kaso ayun, kasal na pala siya sa iba!
“Kaya sobrang… parang feeling ko, hindi ko alam kung tanga ba ako or what.
“Siguro next time iga-guard ko na mabuti ang puso ko.”
Lahad naman ni Angela, “Siguro ang iga-guard ko is yung faith and hope na meron ako. Kasi eversince lagi kong ipinagdarasal ayaw na ayaw kong mawala sila sa akin, na dapat ito yung nagre-remind sa akin para makapagpatuloy sa buhay.
“Kasi life is really challenging kaya pag meron ako nito I know that I will survive, I will live.”
(ROMMEL L. GONZALES)