Kumpanya ni Manny Villar nakakuha ng ABS-CBN frequencies-NTC
- Published on January 27, 2022
- by @peoplesbalita
ISANG kumpanya na nag-uugnay kay dating senador at bilyonaryo na si Manny Villar ang nakakuha ng suporta ng pamahalaan na pumasok sa television market gamit ang frequency na dating naka-assigned sa ABS-CBN.
Tila ito ay muling pagbuhay sa aplikasyon ng kumpanya na Advanced Media Broadcasting System (AMBS) na inihain noong Oktubre 2006, Ang AMBS ang nakakuha ng provisional authority para mag-operate ng digital television broadcasting system sa Kalakhang Maynila at Mega Manila gamit ang Channel 16 —mahigit dalawang taon matapos na matalo ang ABS-CBN na maisulong ang kanilang franchise renewal.
Nakatanggap ang AMBS ng 25-year franchise para mag- operate ng TV service noong 2019.
Ang kopya ng kautusan ng National Telecommunications Commission (NTC) ay ipinalabas sa mga mamamahayag , Martes ng gabi na nagpapakita na ang regulator ay nakakuha ng legal opinion ng Department of Justice.
Sinabi rin ng NTC na ang Office of the President-Office of the Executive Secretary “interposed no objection for the NTC to proceed with the issuance of CPCNs/PAs and to assign vacated and available frequencies to qualified entities.”
“AMBS was granted the PA after the determination of its legal, technical, and financial qualification,” ayon sa hiwalay na kalatas ng NTC.
Sinabi pa rin ng regulator na ang analog TV Channel 2 ay pansamantalang in- assigned sa AMBS.
“This temporary assignment is for simulcast purposes only, and only until the analog shutoff scheduled in 2023,” anito.
“The temporary assignment was granted to ensure service to both analog and digital TV signal users as the country transitions to full digital TV,” dagdag na pahayag ng NTC. (Daris Jose)