• March 8, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kumalat ang photos na kuha sa Amanpulo: BEA, nilinaw na hindi pa sila engaged ng DOMINIC

NILINAW ni Bea Alonzo na hindi pa sila engaged ng nobyong si Dominic Roque.

 

 

Dahil sa mga kumalat na litrato nila ni Dominic na tila marriage proposal ay may nag-akalang malapit na silang ikasal ni Dominic.

 

 

“Picture iyon noong nagpunta kami sa Amanpulo, na akala ng mga tao na-engage kami. Hindi, hindi pa po,” paglilinaw ni Bea.

 

 

Last year pa ang bakasyon nina Bea at Dominic sa Amanpulo, at sadyang mahilig mag-post ng throwback photos ang aktor.

 

 

Samantala, nakakaloka ang rebelasyon ni Bea sa vlog ni Mariel Rodriguez kung saan ibinulgar  ni Bea na may dati siyang karelasyon na mino-monitor ang kanyang timbang halos araw-araw.

 

 

“Mayroon akong naging jowa na pinag-we-weighing scale ako almost every day just to check if I was heavier,” pagbubulgar ni Bea.

 

 

Hindi na pinangalanan ni Bea kung sino ang naturang ex-BF niya.

 

 

Nakakaloka rin ang ikinuwento ni Bea na mayroon din siyang ex-boyfriend na hiniwalayan niya sa araw ng kanyang kaarawan!

 

 

“Hindi ko alam na may surprise pala siya sa akin na malaki, non-showbiz yung guy.

 

 

“Hindi ko alam biglang, ‘surprise!’ tapos kaka-break ko lang sa kanya. Inisip ko kasi makikipag-break ako sa birthday ko tapos hindi siya magagalit sa akin kasi birthday ko,” ang natatawang pagbabalik-tanaw ng Kapuso actress.

(ROMMEL L. GONZALES)