• October 19, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 19, 2025
    Current time: October 19, 2025 6:34 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Krisis’ sa basura sa Metro Manila, nakaamba

NANGANGAMBA si Caloocan City 3rd District Rep. Dean Asistio na magresulta sa 'krisis' sa basura sa Metro Manila ang pagsasara ng Navotas Sanitary landfill.

Kasunod ito ng bagong direktiba ng Metropolitan Manila Development ­Authority (MMDA) na itapon ang mga basura sa New San Mateo Landfill simula Agosto 27.


Dahil mas malayo na ang bagong landfill kaya inaasahan ang mga pagkaantala sa koleksyon ng basura.

Ayon kay Asistio, lalong makakadagdag ito sa tambak ng basura sa Metro Manila na makakapagpalala sa patuloy na pagbabara ng mga estero, drainage at iba pang daluyan ng tubig na dulot ng patuloy na mga pagbaha.


"Sa gitna ng problema natin sa patuloy at palagiang pagbaha sa Metro Manila, malilipat at maiipon ang lahat ng basura mula ?sa 17 LGUs sa San Mateo Landfill. Nakakatakot isipin ang implikasyon nito at sa dami ng environmental related issues na kailangan natin agarang aksyunan," ayon kay Asistio.


Una nang umapela si Manila Mayor Francisco "Isko Moreno" Domagoso sa mga Batang Maynila na pairalin ang disiplina at sumunod sa itinakdang oras ng paglabas ng ­basura.

"Hindi pa natin alam ang mangyayari kapag sabay-sabay bumiyahe ang mga truck sa Commonwealth. That's the first challenge. The second challenge, kapag nasa San Mateo na ang queuing, sabay-sabay dumadating ang truck, it will take time, babagal ang balikan," dagdag ni Domagoso.