• October 19, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 5:18 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

KONSEHAL NG MAYNILA , 60 NA ARAW NA SUSPENDIDO

SUSPENDIDO ng 60 araw ang isang konsehal sa lungsod ng Maynila matapos siyang ireklamo ng harassment ng kapwa nito konsehal .
Ayon kay Vice Mayor Chi Atienza na siyang presiding officer ng Manila City Council, hindi nila binabalewala ang ganitong klase ng reklamo kung saan naging patas sila sa proseso ng paglalabas ng desisyon sa naturang reklamo laban kay Councilor Ryan Ponce.
Ayon pa sa bise alkalde, naging sapat ang ebidensya ng reklamo ni Councilor Eunice Castro para mapatawan ng parusa ang kapwa konsehal
Ayon kay Atienza, ang naging aksyon ng konseho ay patunay na seryoso ito sa pagpapanatili ng mataas na pamantayan ng asal ng mga halal na opisyal.
“Nais naming ipakita na ang ganitong mga reklamo ay hindi dapat binabalewala,” sabi ng bise alkalde.
Paliwanag pa ni VM Atienza, bagama’t humingi ng paumanhin si Ponce kay Castro, nararapat pa rin siyang patawan ng parusa sa nagawang pagkakamali at para hindi na maulit o gawin ng iba ang nasabing insidente.
Aniya, mananatiling mahigpit ang Konseho sa pagpapatupad ng mataas na pamantayang etikal upang mapanatili ang tiwala ng publiko
Ipinaliwanag naman ni Konsehal Atty. Jaybee Hizon, na namuno sa imbestigasyon, na ang parusang 60-araw ay ang pinakamataas na maaaring ipataw sa ilalim ng internal rules ng konseho.
Dahil nagsimula ang kaso sa isang privilege speech at hindi sa pormal na verified complaint, limitado ang maaaring parusa ng konseho batay sa Local Government Code.
Bukod sa suspensyon, inaprubahan din ng konseho ang reorganisasyon ng lahat ng komiteng kinabibilangan ni Ponce.
Epektibo ang suspensyon labinlimang (15) araw matapos matanggap ni Ponce ang opisyal na abiso. (Gene Adsuara)