Knicks, kampeon sa NBA Cup Tournament
- Published on December 18, 2025
- by @peoplesbalita
NAGKAMPEON ang New York Knicks sa NBA Cup Tournament matapos dominahin ang championship round laban sa San Antonio Spurs.
Isang matagumpay na 4th quarter comeback ang ginawa ng Knicks matapos hawakan ng Spurs ang single-digit lead mula una hanggang ikatlong quarter ng laban.
Pagpasok ng 4th quarter, pinangunahan nina OG Anunoby at Jalen Brunson ang opensa ng Knicks at sa tinambakan ang Spurs ng 16 big points sa loob ng 12 mins (35-19).
Dahil sa impresibong opensa, hindi lamang nabura ang single-digit lead ng San Antonio kungdi lumamang pa ang New York ng 11 big points sa pagtatapos ng regulation, 124-113.