• April 19, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kinabog at walang sinabi ang ilang bagets loveteams: CHERRY PIE, kinakiligan ang kakaibang paandar para sa birthday ni EDU

WALANG sinabi ang ilang mga loveteams sa real-life loveteam nina Edu Manzano at Cherry Pie Picache.

 

Aba, kinikilig sa kanilang dalawa ang mga netizens.  Very open naman din naman kasi sila at hindi itinago ang relasyon nila even from the beginning.

 

At ang bagets-bagets ng birthday gift ng actress sa birthday nito. Tatlong klase ng pictures nito na naka-mosaic.

 

At sa caption ni Cherry Pie, tahasan niyang sinabi na “ito ang kinababaliwan” niya, huh!

 

Sabi ni Pie, “To my good  looking man, no doubt… more importantly is, to this good good human being… crazy, pero… who isn’t and he’s my crazy.

 

“Happy happy birthday hon ko!!!

 

“Thank you so much for sharing your gift of life to me and to so many others you so generously share it with.

 

“We’ll celebrate soon!”

 

***

 

NAKABALIK na ng bansa ang mag-amang Nico Bolzico at Tili mula kasa kanilang naging bakasyon sa Argentina.

 

Dito nakasama ni Tili ang pamilya ni Nico habang si Solenn Heusaff naman na kasalukuyang buntis sa second baby nila ay naiwan sa Pilipinas at naka-seguway rin sa Paris.

 

Ang ganda ng ginawang short video ni Nico kunsaan, sa ilang segundo ay naipakita niya kung paano nag-enjoy at naging life ni Tili sa Argentina hanggang sa makabalik sila ng Pilipinas at patakbong yumakap sa namiss na si Solenn.

 

Mahigit isang buwan din silang nawala. Sa comment nga, ang daming na-touch sa last clip kunsaan, nagyakap at kitang-kita ang pagka-miss sa isa’t-isa ng mag-ama.

 

At sabi nga ni Nico, namimiss man nila ang naging life sa Argentina, pero iba raw talaga ang pagka-miss nila kay Solenn.

 

“We miss the horses, the calves, the farms, the green fields, our new friends, our pinsans, our abuelos, our tios, the plaza, the parks; we miss everyone and everything from our second home; but nothing compares to how much we missed mama!”

 

***

NAGLABAS ng Executive Order ang Presidente ng bansa ngayon na si Ferdinand Marcos, Jr, na ina-allow na nito na pwede ng hindi magsuot ng face masks sa labas o outdoor na lugar.

 

Ito ay sa kabila ng dumarami pa rin ang mga nagpo-positibo sa COVID-19.

 

Ang actor at isa sa cast sa palaging nagta-top trending sa Netflix na “2 Good 2 Be True” na si Romnick Sarmenta ay nag-tweet ng kanyang saloobin sa inilabas na na E.O. ng Pangulo.

 

Hindi sang-ayon si Romnick sa bagay na ito dahil para sa kanya, ang hindi pagsusuot ng face mask ay posibleng maglagay lang sa mas risk facor lalo na sa mga matatanda at mahihina ang resistensiya.

 

Kaya siya raw, magsusuot pa rin ng mask kahit na nasa outdoor para sa safety ng iba.

 

Aniya, “So people think that wearing a mask in an inconvenience. But is it more convenient to risk the elderly and those with weaker resistance?

 

“I wear a mask for others.”

 

At sinundan niya ng hashtag na, “wear your mask on.”

 

(ROSE GARCIA)