Kimi, David lupet sa National Juniors Tennis Championships
- Published on October 28, 2022
- by @peoplesbalita
SWAK uli si Kimi Brodeth ng Ormoc City sa isa pang ‘twinkill’ samantalang saltong na pantayan ng batang si David Sepulveda ang una, pero nanalo at sumegunda sa wakas nitong weekend ng PPS-PEPP Baybay City National Juniors Tennis Championships sa Baybay courts sa Leyte.
Kumopo ng dalawang korona rin sa balwarte sa nagdaang linggo lang, diniin ni Brodeth ang pananalasa sa girls’ 16- at 18-and-under, pinahandusay si Kate Imalay ng Danao, Cebu, 6-1, 6-1, saka tinabunan ang kapwa Ormocanon na si Mia Gemida, 6-3, 6-0, ayon sa pagkakasunod, sa isa pang pagdoble sa Group 2 tournament na matagal nang naghahanap ng mga talento tenista sa bansa.
Pinadapa ni Sepulveda si Urcisino Villa ng Sogod, Leyte, 7-5, 6-2 sa boys’ 12-U finals, pero nabitin ang rising Pardo, Cebu City star sa 14-U play, bumalentuang kay Kenzo Brodeth sa pareong iskor.
Pero ang 1-2 natapos niya ang nagpassosyo sa kanya sa Mst Valuable Player kay Kimi sa event nakaloob ni Palawan Pawnshop president/CEO Bobby Castro, at nagsilbing panimula sa Pintaflores Festival Juniors Championships sa San Carlos, Negros Occidental simula ngayong Huwebes, Oktubre 27.
Nagsipanalo rin sa week-long event na hatid ng Dunlop at mga sionuportahan ng ProtekTODO, PalawanPay, Unified Tennis Philippines at UTR (Universal Tennis Rating), sina Imalay, Ma. Caroliean Fiel, John David Velez at Gerald Gemida . (REC)