Kelot, timbog sa sugal at baril sa Valenzuela
- Published on May 27, 2025
- by @peoplesbalita

Sa ulat ni Daladanan Police Sub-Station (SS6) Commander P/Capt. Doddie Aguirre kay Valenzuela police OIC chief P/Col. Relly Arnedo, nakatanggap sila ng impormasyon mula sa isang concerned citizen ang hinggil sa nagaganap umanong illegal gambling activity sa D. Santiago St., Brgy. Malanday.
Kagaad inatasan ni Capt. Aguirre ang kanyang mga tauhan na puntahan ang nasabing lugar na nagresulta sa pagkakaaresto kay alyas “Jordan”, 21, at alyas “Mark”, 23, matapos maaktuhang naglalaro ng cara y cruz dakong alas-3:10 ng madaling araw.
Nasamsam ng mga pulis sa luga ang tatlong one-peso cpins na gamit bilang ‘pangara’ at P250 bet money habang nang nakuha naman kay alyas Jordan ang walang lisensiya na isang kalibre .38 revolver na kargado ng tatlong bala.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa PD 1602 habang karagdagan na kasong paglabag sa RA 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act in relation to Omnibus Election Code ang kakaharapin pa ni ‘Jordan’.
Pinuri naman ni Northern Police District (NPD) District Director P/BGen. Josefino Ligan ang Valenzuela police sa kanilang mabilis na pagresponde.
“This arrest highlights the vigilance and swift action of our personnel. Proactive measures like this are essential in preserving peace and order, especially during sensitive electoral periods,” ani Gen. Ligan. (Richard Mesa)