Kelot na tumangay ng motor sa Valenzuela, tiklo rin sa droga
- Published on February 18, 2026
- by @peoplesbalita
KULUNGAN ang kinasadlakan 27-anyos na lalaki nang tangayin ang motosiklo ng kanyang kabarangay at makuhanan pa ng shabu sa Valenzuela City.
Ayon kay Valenzuela Police Chief P/Col. Joseph Talento, mahaharap sa mga kasong paglabag sa R.A10883 o ang New Anti-Carnapping Law at R.A 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek na si alyas “Jun”, ng Brgy., Paso De Blas.
Sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-7:00 ng umaga, lumabas ng kanyang bahay sa East Service Road, Paso De Blas ang complainant na si alyas “Efren”, 37, nang makita niya na tinangay ng suspek ang kanyang motorsiklo.
Hinabol niya ang suspek hanggang sa hanggang sa makahingi siya ng tulong sa nagpapatrolyang mga tanod ng Paso De Blas na sina Ex-O German De Sotto CuaƱo at Eduardo Caliso Edo Jr. na nagresulta sa pagkakaaresto kay ‘Jun’.
Nang kapkapan, nakumpiska sa suspek ang isang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P1,156 habang nabawi ang motorsiklo ng biktima.
Kaagad humingi ng assistance ang mga tanod kay Valenzuela Police Sub-Station 1 Commander P/Capt. Michael Oxina para magpatulong sa tamang proseso.
(Richard Mesa)