Kelot na ilegal nagbebenta ng baril, tiklo sa PNP Maritime group
- Published on February 27, 2025
- by Peoples Balita

Dakong alas-12:50 ng tanghali, nitong Pebrero 25, 2025 nang sunggaban ng mga tauhan ni P/Major Randy Veran, hepe ng Northern NCR Maritime Police Station ang suspek sa Barangay Bulihan, Malolos City, nang bintahan ng baril ang isa sa kanyang tauhan na nagpanggap na buyer.
Wala rin naipakita ang suspek ng anumang dokumento na nagpapatunay ng kanyang awtoridad na magmay-ari at magbenta ng baril at ipinaalam din sa kanya ang kanyang mga karapatan.
Nakumpiska sa suspect ang isang caliber .22 na baril na walang serial number, at apat na pirasong bala nito.
Ayon kay Major Veran, ikinasa nila ang operation kontra ilegal na pagbebenta ng baril na layuning pigilin ang ilegal na kalakalan nito, at paigtingin ang seguridad sa komunidad, sa Barangay Bulihan, Malolos City.
Nahaharap ang suspek sa mga kasong paglabag sa section 28 (unlawful acquisition or possession of firearms and ammunition) at section 32 (unlawful manufacture, importation, sale or disposition of firearms or ammunition or parts) ng republic act 10591 o ang “comprehensive firearms and ammunition regulation act,”. (Richard Mesa)