Kelot na armado ng baril, arestado sa Caloocan
- Published on August 16, 2025
- by @peoplesbalita
BAGSAK sa kulungan ang 24-anyos na lalaki matapos inguso ng isang marites sa pulisya na may bitbit na baril habang pagala-gala sa lansangan sa Malabon City.
Sa ulat, nakatanggap ng impormasyon mula sa isang concerned citizen ang District Special Operations Unit (DSOU) ng Northern Police District (NPD) hinggil sa isang lalaki na may bitbit umanong baril habang pagala-gala at tila may inaabangan sa Hasa Hasa Alley, Brgy. Longos.
Agad inatasan ni Police Lieutenant Colonel Emmanuel Gomez, Officer-In-Charge ng DSOU ang kanyang mga tauhan na puntahan ang nasabing lugar na agad namang rumesponde at nakita ng mga ito ang suspek na may bitbit na baril dakong alas-11:10 ng gabi.
Maingat siyang nilapitan ng mga tauhan ni Lt. Col. Gomez bago sinunggaban ang hawak niyang baril na isang kalibre .38 revolver na kargado ng tatlong bala.
Nang walang naipakita ang suspek na si alyas “Ungas” na kaukulang dokumento na nagpapatunay na magmay-ari at magdala siya ng baril ay pinosasan siya ng mga pulis.
Sinampahan na ng pulisya ng kasong paglabag sa R.A 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunation Regulation Act sa pamamagitan ng inquest proceedings sa Malabon City Prosecutor’s Office.
Pinuri naman ni ni NPD Acting Ditrict Director P/BGen. Jerry Protacio ang arresting team sa kanilang dedikasyon at mabilis na pagresponde na dahilan ng agarang pagkakaaresto sa suspek. (Richard Mesa)