Kelot, kalaboso sa pagpapaputok ng baril sa Malabon
- Published on February 2, 2025
- by Peoples Balita
SHOOT sa selda ang isang lalaki na naghasik ng takot sa kanilang lugar makaraang magpaputok ng baril habang gumagawa ng eskandalo at nagsisigaw sa Malabon City, Biyernes ng umaga.
Kinilala ni Malabin police chief P/Col. Jay Baybayan ang suspek na si alyas ‘Meisyon’, 33, na nahaharap sa kasong pagpabag sa RA 11926 (Willful Indiscriminate Discharge of Firearms) at R.A. 10591 in relation to B.P. 881 (Omnibus Election Code).
Sa kanyang report kay kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/Col. Josefino Ligan, sinabi ni Col. Baybayan na ni-report ng isang concerned citizen sa Malabon Police Sub-Station 5 ang hinggil sa pagpaputok ng suspeik ng baril sa kanilang lugar sa Block 17, Lot 68, Phase 2, Area 3, Barangay Longos dakong alas-6:00 ng umaga.
Agad namang rumesponde sa lugar ang mga tauhan ng SS5 at naabutan nila ang suspek na gumagawa ng eskandalo at nagsisigaw habang may hawak nga baril kaya maingat nila itong nilapitan saka dinamba.
Nakumpiska sa suspek ang isang kalibre .45 pistol na kargado ng isang magazine at tatlong bala habang nakuha ng mga pulis sa scene ang isang basyo ng bala mula sa cal. 45.
Ayon kina police investigators PMSg Ernie Baroy at PMSg Michael Oben, walang naipakita ang suspek na kaukulang mga papeles hinggil sa ligaledad ng nakuha sa kanya na baril kaya isinelda siya ng mga pulis.
Pinuri naman ni Col. Ligan ang mga tauhan ni Col. Baybayan sa kanilang mabilis na pagresponde para maprotektahan ang mga mamamayan ng lungsod. (Richard Mesa)