Kaya hindi natuloy ang airing ng ‘Sigabo:… JULIA, kailangan pang mag-training para sa action scenes
- Published on March 21, 2026
- by @peoplesbalita
ANG makapag-training pa raw sa action si Julia Montes ang sinasabing dahilan ni Coco Martin kung bakit hindi natuloy ang airing ng “Sigabo.”
Ang “Sigabo” ang bagong teleserye na pagbibidahan ni Coco at balik tambalan nila ni Julia. Ang alam talaga namin, walang palya, walang break at papalitan na agad nito ang “FPJ’s Batang Quiapo.”
Pero nabago at biglang hindi sila umere. At yun nga, may gano’n ng paliwanag o dahilan si Coco. Medyo na-confuse lang kami, kasi from a source na part din ng bagong serye, malinaw na nasabi nitong hindi na action o katulad ng dalawang nakaraan n’yang serye ang “Sigabo”, parang mas sa romantic angle na.
Posible kayang nabago rin ang konsepto?
Anyway, kasalukuyan silang nasa Spain ngayon at nagbakasyon. Noon pa may chika na bumili sila ng bahay sa Spain, pero hindi nila ito kinukumpirma pa.
**”
WINNER na winner sa ginanap na Morong Awards sa Morong, Rizal si Miss Glenda Dela Cruz, ang CEO ng Brilliant Skin Essentials at controversial social media influencer.
Nakatanggap lang naman siya ng mga awards tulad ng AWARDS:
TOP Employer – Brilliant Skin Essentials, Inc, TOP Outstanding Business Taxpayer for the year 2025, TOP 14- Pink Ladder Construction & Development OPC, TOP 4 Highest Real Property Taxpayer.
Espesyal kay Glenda ang Morong at ang mga natanaqap na awards.
Bahai ng kanyang speech, “Hindi po ito basta-bastang parangal para sa akin, dahil ito po ay galing sa Morong, ang bayan na pinagmulan ko. Ang lugar na kinalakihan ko. Ang lugar na nagbigay sa akin ng lakas ng loob, kahit noong mga panahong hindi pa ako ganoong kakilala.
“Marami na rin po akong natanggap na parangal dito sa Pilipinas at maging sa ibang bansa. Pero ang parangal na ito, mula sa sarili kong bayan, ay espesyal po sa akin.
“Ang Morong ang aking bayan pinagmulan at ang mga tao rito ang saksi kung paano ako nagsimula.”
Ngayon, mahigit isang libong empleyado na ang bahagi ng Brilliant Skin Essentials sa buong Pilipinas. Mayroon na ring libu-libong franchisee at distributor na nagtitiwala sa aming brand. At sa likod ng bawat isa sa kanila ay mga pamilyang umaasa at nabubuhay dahil sa oportunidad na ibinibigay ng Brilliant Skin Essentials.
Kaya para sa amin, ang pagiging Top 1 Employer ng Morong ay hindi lang numero o titulo. Ito ang bunga ng pangangarap, pagsusimikap at aking pagsasakripisyo.”
Ika-sampung taon ngayon ng Brilliant. Kamakailan lang ay muling nagbalik si Ivana Alawi bilang endorser.
(ROSE GARCIA)