• April 6, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kaya hindi mahirap idirek sa ‘Pulang Araw’: DENNIS, tutok sa character kaya nakagugulat ang pag-atake

HINDI na raw nahirapan ang GMA resident director na si Dominic Zapata sa pagdirek kay Dennis Trillo sa teleserye na ‘Pulang Araw’ kunsaan gumaganap ang aktor bilang mabagsik na opisyal ng Japanese Imperial Army.

 

 

 

Kilala raw niya si Dennis at ang method nito kapag may role ito na nakaka-challenge sa pagiging aktor nito. Lalo na raw sa ‘Pulang Araw’ na kailangan itong magsalita ng Nihongo sa maraming eksena.

 

 

 

“Working with Dennis for so many years, nakita ko na siya in a variety of roles, kasama na roon ang pagiging kontrabida. Kaya dito sa Pulang Araw, hindi niya nagawang makipag-bonding muna sa mga kasama niya because he really concentrates on his character.

 

 

“Nasa isang lugar lang siya and kapag take na, he’s really prepared. Magugulat ka na lang sa performance niya,” sey ni Direk Dom.

 

 

Ilan sa mga teleseryeng pinagsamahan nila Dennis at Direk Dom ay Twin Hearts, Mulawin, Darna, Super Twins, Zaido: Pulis Pangkalawakan, My Husband’s Lover, Hiram Na Alaala, Mulawin Vs. Ravena, at Cain At Abel.

 

 

 

 

(RUEL J. MENDOZA)