• October 21, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 22, 2025
    Current time: October 22, 2025 2:46 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kaya ‘di dapat maliitin ang taga-showbiz na pulitiko: SHYR, naniniwalang maraming magaling at mabubuti ang puso

BUKOD sa pagiging aktres ay nasa corporate world rin si Shyr Valdez.
Siya ang PR Consultant ng Medicare Plus Inc. na isang health maintenance organization (HMO) o health insurance company na based dito sa Pilipinas.
Bakit niya pinasok ang ganitong trabaho?
Lahad ni Shyr, “Actually, I’ve been at it for the past 4 years.
“Hindi ko lang masyadong nilalabas talaga, but you know how it is in the business, hindi naman araw-araw meron tayong show.
So you always have to have something to back to, fallback position, so that’s precisely what I’m doing and naniniwala kasi ako that it’s always nice to learn other things and we must not stop from learning.”
Paano siya nagkaroon ng koneksyon sa Medicare Plus Inc.?
“From a previous company that I used to be with, I met Ms. JayJay Viray there.”
Si Jayjay ang CEO at Presidente ng Medicare Plus Inc.
Pagpapatuloy pa ni Shyr, “I met her through another company, na nakasama namin siya with work, and then from there, nagkakausap kami, nagkakatrabaho kami every now and then.
“So one of those occasions, she spoke with me and asked me if I would like to join the bandwagon of Medicare Plus Inc. as the PR consultant, and that’s how it all began.”
Si Shyr rin ang isa sa mga celebrity endorsers ng Medicare Plus Inc., kasama ang young actress na si Jess Martinez at ang Korean actor/model na si Moon Su-in.
“Yes, I am also both PR and celebrity endorser,” wika ni Shyr.
Ikinalulungkot ni Shyr kapag nakakabalita o nakakakita siya ng mga kapwa niya artista o celebrity na nagkasakit or naaksidente, na para makabayad sa ospital ay nagpa-fundraising show, nanghihingi ng donation.
“Well, you know, of course, I feel very sad about that. “Kasi diyan mo makikita na ang hirap magkasakit, lalo na kung hindi ka nakapag-ipon, di ba?  Kahit artista yan and kahit din may naipon ka, di ba?
“Pero yung klase ng sakit mo at yung mahal ng kailangan mong tustusan pag nagkasakit ka, minsan hindi rin enough ang savings mo. So you need to be properly backed up.
“Kailangan educated ka with what you need to know about not just your health, but the benefits that you will get from companies that offers HMOs, insurance, mga ganyan. It is very important na alam natin yan lahat, kaya nga ngayon, our company, Medicare Plus Inc., something is brewing between Medicare Plus Inc. and our business, showbiz. So as soon as maplantsa namin yan and everything, you’ll all know.”
May mapapakinabang dito ang mga taga-showbiz industry?
“People from the industry.”
Ilang percent na ang chance na matuloy ito?
“Siguro mga nasa 80.”
May pinaplano na rin sila na kukuning isang malaking artista bilang bagong celebrity endorser ng Medicare Plus Inc.
“Actually, she was our very first. Natapos yung contract and then medyo inayos lang namin, may mga inayos pa kami, and now, we are again, discussing.”
Paano nila nakuhang endorser ang South Korean celebrity na si Moon Su-in?
“Si Moon Su-in was actually tapped by a friend of our CEO, Ms. Jayjay Viray.”
Ang head ng Artist Circle talent management na si Rams David naman, na manager ni Shyr, ang agent ni Moon Su-in dito sa Pilipinas.
Pagbabahagi pa ni Shyr, “Si Rams is the agent here in Manila, and then, from there, we were able to find out kung ano yung mga ginagawa ni Moon Su-in and how he believes yung mga HMO, mga ganyan. He’s a believer of that. He’s a health buff person.
“He is somebody who embodies what an HMO is. He believes in taking care of oneself and being prepared about it.
“So yun, and then, luckily, with our ER Guard, which is the emergency card of Medicare Plus, pumapasok siya roon because if you are a foreigner or a tourist, you’re a foreigner, you’re visiting here in the Philippines, you can actually make use of that.
If anything happens to you, nag-emergency ka, you get into a hospital, you just bring your ER guard, i-register mo lang siya bago ka dumating dito within one week, it’s activated and you can use it in one year. “Anything happens to you, we’ll take care of you.”
Dagdag pang sinabi ni Shyr, For tourists, OFWs, even here, lalo na dito sa atin, yung mga hindi talaga maka-afford ng coverage, they can use the ER guard. One-time use yan for emergency.”
Ang Medicare Plus Inc. ang health care provider ng Phillipine National Police na nagkaroon ng contract signing nitong 2024.
Bukod kina Shyr, Moon Su-in at Jess Martinez ay celebrity endorser rin ng Medicare Plus Inc. ang aktres na si Sheryl Cruz.
Samantala, ang pamilya ni Shyr ay malapit kay dating First Lady Imelda Marcos at ngayong nalalapit na ang eleksyon, ang isa sa medyo ikinagugulat ng publiko ay ang napakaraming artistang nag-file ng COC para tumakbo sa eleksyon sa May 2025 sa iba-ibang posisyon, senador, mayor, konsehal at kung anu-ano.
Ano ang take ni Shyr dito?Aniya, “You know, I would like to…ito ha, whether we admit it or not, kasi maraming nangmamaliit sa mga artista e, ang daming nagsasabi, ‘Artista lang ‘yan’, mga ganyan.
“Pero alam niyo po, hindi lang naman sa field ng showbiz, even in other fields, di ba? It just so happens na nagkakaroon ng highlight pag artista ka kasi you’re known, kilala ka, napapanood ka sa TV, so on and so forth.
“But maraming magaling sa showbiz. Maraming marunong, maraming nakapagtapos ng pag-aaral, maraming magaling diyan, at maraming kahit sabihin mong…parang ganito, kahit na simpleng artista ka lang, kung meron ka namang mabuting puso, at meron kang puso para magsilbi sa tao, and you think you will do good, and you think you will be able to help, then go ahead.
“Sa akin lang, huwag niyong ikahiya ang industry natin because maraming magaling dito sa industriyang ito, and if you’re running and pinalad po kayong manalo, just do well because you’re representing not just your constituents but you’re also representing the whole industry.
“Kayo po, itaas ninyo po ang watawat ng mga artista na maraming magaling sa industriyang ito.”
Meron din ilan na tumatakbo kahit walang kapasidad, para lang makatakbo or sa pansariling benepisyo.
Ano ang masasabi ni Shyr sa mga ginagamit ang pagiging artista para lang sa kanilang sariling benepisyo?
“Basta ako sa akin, parang ganito yan e, for me, politics is a calling. To serve the people is a calling and again, if you think you will be able to serve well, and you think you’ll do well, do good, you have the heart for it, sige lang, walang problema.
“You cannot judge a book by its cover e, yan ang opinion ko diyan. Basta tingin mo kaya mo at magagampanan mo ng maayos, sige lang.”
(ROMMEL L. GONZALES)