Kaya buhay na buhay pa rin sa ‘Batang Quiapo’: JOHN, nakatakda nang magbabu pero nabago ang plano
- Published on January 24, 2025
- by Peoples Balita

Ito ay ayon sa nakausap naming ABS-CBN insider.
Ayon pa sa source ay may ilang taping days na lang daw si John at papatayin na ang ginampanang papel ng aktor.
May kinalaman marahil sa kotrobersiya involving John at ang batang aktres na si Barbie Imperial, kung kaya magbabu na sa ‘FPJ’s Batang Quiapo’ ang magaling na aktor.
Lumikha kasi ng malaking isyu ang tsikang pagiging malapit ni John sa co star niyang si Barbie kung kaya pati ang papel niya bilang Rigor sa hit series ay wakasan na.
Ang nasabing kontrobersya ay hindi lamang nakaapekto image ni John, kundi nagdulot din umano ng negative effects sa reputasyon ng palabas, lalo na sa mga kabataang manonood at sa mga magulang ng mga ito.
Kumbaga, hindi naging maganda ang dulot sa mga kabataang masugid na tagasubaybay bg palabas.
Kahit na itinanggi ni John ang naturang isyu, still hindi ba raw maalis yun sa mga tagasubaybay ng “Batang Quiapo” na sa tuwing lumalabas ang aktor sa serye ay naalala nila ang involvement ng aktor sa young aktres.
Hanggang napapanood daw si John at Barbie sa serye ay hindi maiwasang mapag-usapan ang kanilang pagiging malapit sa isa’t isa na hanggang ngayon ay naging paksa ng online tsismis at haka-haka, na nagbigay ng negatibong impresyon sa publiko tungkol kay John sa likod ng kamera.
***
SAMANTALA, maaring
naapektuhan ng nabanggit na kontrobersya ang appeal ng ‘Batang Quiapo’ lalong-lalo na sa mga magulang na hindi sang-ayon sa umano’y mga kinikilos nina John at Barbie sa taping.
Dagdag pa na maaring na pressure na rin ang mga namamahala ng “Batang Quiapo” sa mga komento ng mga televiewers na kung saan maaring nagdulot ng pangamba ukol sa impluwensiya ng palabas sa kabataang idolo ang mga karakter nito.
Sa ipinakitang pinakabagong teaser ng Batang Quiapo, ay napanood na malapit nang matapos ang character ni John bilang Rigor.
Halatang papatayin ni Tanggol, na ginagampanan ni Coco Martin, si Rigor matapos malaman na hindi pala siya ang tunay niyang ama.
Nang tanungin tungkol sa pag-exit ni John, banggit ng source na sinusunod lang daw ang story line.
“Bahagi ito ng storyline. Napag-usapan na ito nina John at Coco, at tanggap naman ito ni John,” sey pa nito.
Pero maaaring malaki pa rin ang kinalaman ng kontrobersya nina John at Barbie kung kaya ang pag-alis ni Rigor, sinasabi ng ilang insiders na ang desisyong ito ay bahagi pa rin ng orihinal na plano ng palabas.
Well, abangan na lang natin dahil marami pang kaabang-abang na mangyayari sa number one primetime show ng Dos.
Ngayon pa lang ay marami nang umalma na tagahanga ni John Estrada.
Pero ang latest ay nabago na raw ang plano, kaya buhay na buhay pa rin si Rigor sa ‘Batang Quiapo’.
(JIMI C. ESCALA)