• October 19, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 4:46 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

KATAPATAN NG PNP AY PARA SA BAYAN AT SA MAMAMAYAN – GOITIA

SUPORTADO ni Chairman Emeritus Dr. Jose Antonio Goitia si Acting PNP Chief Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. at buong PNP dahil sa kanilang matatag na paninindigan

Ayon kay Goiota, ipinapakita ni General Nartatez at ng buong PNP na ang kanilang paninindigan ay hindi para sa pulitika o personalidad, kundi para sa sambayanang Pilipino at sa Saligang Batas.

Pinuri rin ni Goitia ang PNP sa pananatiling propesyonal at hindi nagpapatinag sa ingay ng pulitika, at sa patuloy na pagsuporta kay Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.

“Habang ang iba ay nagpapakalat ng intriga, ang kapulisan ay tahimik na nagsisilbi. Iyan ang tunay na propesyonalismo,” dagdag pa niya.

Ayon pa kay Goitia, makatuwiran ang tiwalang ibinibigay ni Pangulong Marcos sa kasalukuyang liderato ng PNP at mahalaga aniya ay mapanatili ang kapayapaan at maisulong ang reporma.

Ikinonekta rin ni Chairman Goitia ang pagkakaisa ng PNP sa mas malawak na kampanya ng Pangulo laban sa korapsyon.

“Hindi mo matatalo ang korapsyon kung watak-watak ang puwersa. Ang lakas ng PNP ay nasa pagkakaisa at kredibilidad nito. Bawat audit, bawat reporma, at bawat pagpapanagot sa may sala ay gawaing may tapang at konsensya,” paliwanag niya.

Nanawagan din siya sa publiko na suportahan ang kapulisan imbes na pagdudahan ito. Dagdag pa nito na nararapat lamang na sila’y pagkatiwalaan at igalang dahil naniniwala siya na sa pamumuno ni Nartatez ay nananatiling marangal malinis at tapat sa serbisyo.

Sa pagtatapos, nanawagan si Goitia ng pagkakaisa at pagtutulungan.

Si Dr. Jose Antonio Goitia ay kinikilala bilang Chairman Emeritus ng apat na makabayan at sibikong organisasyon: ang ABKD, PADER, LIPI at FDNY.
(Gene Adsuara)