Kasong treason isampa laban sa Makati firm na kinontrata ng China para sa troll farms
- Published on April 28, 2025
- by @peoplesbalita
HINIKAYAT ni Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez ang Department of Justice (DOJ) na maghain ng kasong kriminal laban sa opisyal at miyembro ng board of directors ng isang kumpanya na kinontrata ng Tsina para sa usapin ng West Philippine Sea. Ang apela ay ginawa ng mambabatas makaraang ibinunyag ni Senador Francis Tolentino, chairman ng Senate special maritime committee, sa isinagawang public hearing nitong Huwebes na ang Makati-based Infinitus Marketing Solutions ay nagsilbi umanong “keyboard warriors” ng Tsina para pabanguhin ang Beijing sa isyu ng West Philippine Sea. “The DOJ and the National Bureau of Investigation should file charges for treason and other violations of the Revised Penal Code and the National Security Act against officers and directors of Infinitus Marketing Solutions. In general, these laws punish any Filipino who betrays or is disloyal to his country and who works against its national interest, sovereignty and territorial integrity,” ani Rodriguez. Idinagdag nito na dapat ding kasuhan ang Chinese embassy officers na nagpasok ng kontrata sa Infinitus bilang “principals by direct participation.” “These Chinese diplomats and embassy staff should likewise be immediately sanctioned by the Department of Foreign Affairs,” giit nito. Hinikayat din ni Rodriguez si Tolentino na ipatawag ang mga opisyal at miyembro ng board of directors ng Infinitus upang magpaliwanag sa kontrata nito sa China. “I am interested in knowing the social media personalities they have engaged and paid to work against our national interest and promote China’s false narratives on the West Philippine Sea,” dagdag nito. Sa ginanap na pagdinig ng senado ntitong Huwebes, inihayag ng isa pang resource person na si National Security Council Assistant Director General Jonathan Malaya na may nakita silang “indicators” na pinoponodohan umano ng Cang ilang kandidato ngayong May 12 elections. (Vina de Guzman)