• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 5:04 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kasong acts of lasciviousness at sexual assault na inihain laban kay Teodoro, mariing itinanggi ng Kongresista

MALISYO at hindi totoo.
Ito ang pahayag ni Marikina 1st District Rep. Marcelino Teodoro kaugnay sa inihaing reklamo sa kanya ng dalawa niyang dating close-in security personnel.

Kinumpirma ng Department of Justice (DOJ) ang kasong acts of lasciviousness at sexual assault na inihain laban kay Teodoro ng dalawang pulis.

Sinabi ng mambabatas na walang sapat na basehan at gawa-gawa lamang umano ito upang sirain ang kanyang reputasyon.

Mukha rin aniyang politically motivated na pag-atake laban sa kanya.

“May mga trumatrabahong puwersa. Mukhang orchestrated ang paglabas ng balita, at ang lumabas na kuwento ay hindi kapani-paniwala. Sobra na at sunud-sunod ang mga atake sa akin nakakaawa na ko,” nakasaad sa kanyang statement.

Sinabi nito na sa ngayon ay hindi pa niya natatanggap ang pormal na reklamo na isinampa at wala siyang kabuuang detalye or impormasyon tungkol sa mga alegasyon na ito .

Nanawagan at umaasa naman ang kongresista sa isang impartial, transparent, at bukas na imbestigasyon. (Vina de Guzman)