• October 23, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 23, 2025
    Current time: October 23, 2025 8:56 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kaso ng Leptospirosis bumababa; kaso ng Dengue tumaas – DOH

BUMABA ang naitalang leptospirosis cases kada araw simula Agosto 10-14, kung ikukumpara sa halos 200 na kaso kada araw noong Agosto 3-9, 2025, ayon sa Department of Health (DOH).
Sa kabuuan, mayroon ng 3,752 na kaso ng leptospirosis mula Hunyo 8 o isang linggo matapos ideklara ang tag-ulan, hanggang Agosto 14.
Nananatili namang naka alerto ang mga DOH Hospitals habang activated na ang 49  leptospirosis fast lanes sa buong bansa.
Paalala ng DOH, agad na magpakonsulta sa mga nasabing fastlane o sa inyong health center o ospital kung sakaling nalubog sa baha o na-expose sa putik ngayong tag-ulan para ma-assess ang inyong risk level para sa tamang gamutan.
Ilan sa mga sintomas ng leptospirosis ay lagnat, sakit ng ulo, panginginig, pananakit ng likod o binti, at pamumula ng mga mata.
Samantala, bahagyang tumaas naman ang mga kaso ng Dengue .
Ang bahagyang pagtaas sa kaso ng dengue ay naitala noong Hulyo 13-26, na umabot sa 15,091. Matatandaang ito ang linggo nang maram­daman ang epekto ng bagyong Crising, Dante at Emong.
Sa nasabing linggo, mas mataas ng 7% ang kaso ng dengue kumpara sa naitalang kaso mula Hunyo 29 hanggang Hulyo 12 na umabot sa 14,131.