Kaso ng dengue sa Valenzuela, bumaba
- Published on February 28, 2025
- by Peoples Balita
PATULOY ang pagpapaigting ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela sa kampanya kontra dengue sa lungsod, kabilang na ang misting operation sa iba’t ibang barangay.
Ayon kay Mayor WES Gatchalian, sa latest na ulat ng City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) ay nasa “downward trend” o pababa na ang naitalang kaso ng dengue sa lungsod.
Hinihimok pa rin ng alkalde ang mga Valenzuelano na makiisa sa paglaban sa dengue sa pamamagitan ng pagpapanatili ng kalinisan sa mga tahanan at kapaligiran. (Richard Mesa)