Kasama rin sa seryeng ‘You’re My Favorite Song’…GWEN, magpapa-sexy uli sa movie kasama sina KATYA, SHEREE at MAUI (ni: NONIE NICASIO)
- Published on June 6, 2026
- by Francis Paolo Torres
MAGIGING abala sa dalawang proyekto si Gwen Garci.
Ito ang nalaman namin nang nakakuwentuhan namin siya recently, thru Facebook.
Unang project niya ay sa seryeng “You’re My Favorite Song” ng GMA-7 na pagbibidahan ng mga bagets. Then, ang isa pang pagkakaabalahan niya ay ang pelikulang “Milf” mula sa Viva,”Nagsimula na po akong mag-taping para sa ‘You’re My Favorite Song’ at mayroon pa pong movie, abangan po nila ito, ang title ay Milf,” reply niya sa amin.
Ano ang role niya sa serye ng Kapuso network?
“Ang role ko rito, friend po ako ni Katya Santos. Ang gagampanan ko rito ay kikay na bubbly at komedyante,” pahayag ng aktres.
Okay ba sa kanya ang ganyang role, bubbly at komedyante?
Aniya, “Yes, okay lang po sa akin ang ganitong mga role, challenging ito para sa akin. Kasi, hindi ako talaga ganoon… tahimik po ako at soft spoken in real life.”
Sa pelikulang Milf naman na mula sa Viva, co-stars ni Gwen ang mga kasama niyang Viva Hot Babes na sina Sheree, Katya Santos, at Maui Taylor.
Nagpatikim siya nang kaunting info hinggil sa bago nilang pelikula.Aniya, “parang ‘Sex In The City’ po itong movie namin, isa itong dark comedy.”
This month daw ang start ng shooting ng kanilang pelikula, nagpa-sexy ba siya ulit sa proyektong ito?
“Mayroon po silang aabangan sa movie na ito,” matipid at bitin na tugon pa ni Gwen.