Kasama ang ‘Save the Children Philippines’ sa panawagan: BARBIE, nag-donate ng P100K para sa bata sa Northern Cebu
- Published on October 9, 2025
- by @peoplesbalita
MAAGAP din nagpadala tulong ang Kapuso actress na si Barbie Forteza para sa mga nasalanta ng malakas na lindol sa Cebu.
Nag-donate siya ng P100,000 para sa mga batang naapektuhan ng magnitude 6.9 na lindol.
Gagamitin ang donasyon para sa relief operations, ayon sa Save the Children Philippines…
“Children in Cebu are still reeling from the earthquake and aftershocks, with some forced to sleep outside in the rain.
“To support urgent relief and children’s education, Sparkle GMA actress and Save the Children Philippines Ambassador Barbie Forteza donated P100,000 for our response and called on the public to help children in need.
“Thank you, Barbie, for standing #ForAndWithChildren in this difficult time.”
Dagdag pa nila, “If you want to know how you can extend help, please email us at @supportercare.ph @savethechildren.org #CebuEarthquake.”
Ibinahagi rin ng Save the Children, ang panawagan ni Barbie para sa mga bata sa Northern Cebu.
“Children have the right to protection and education, even in the most difficult circumstances. I hope more people will come together to support the children of Northern Cebu, because they deserve to feel safe, cared for, and hopeful again,” pahayag ng aktres.
Ikinatuwa naman ito ng netizens at dalangin nila na lalo pang siyang i-bless ng Panginoon.
Mabuhay ka Barbie!
***
MTRCB nag-ulat ng ₱633 million ipon dahil sa maingat na pamamahala ng pondo
INIREPORT ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) sa Senado na may mahigit ₱633 milyon na ipon ang Ahensya na nakalagak sa Kawanihan ng Ingatáng-yaman o Bureau of Treasury ng bansa.
Ayon kay MTRCB Chairperson at CEO Lala Sotto, ito’y pruweba ng matatag na kalagayang pinansyal ng Ahensya sa mahusay nitong pangangasiwa sa pondo ng bayan.
“Ikinagagalak ko pong ibahagi sa inyo na mula Hulyo 2025, mayroon tayong ₱633,813,462.64 sa ating sinking fund. Ang ipon na ito ay patunay ng ating transparency at kahusayan sa pamamahala ng pampublikong pondo,” sabi ni Sotto sa Senado.
Nalampasan din ng Ahensya ang itinakdang revenue targets. Noong 2024, nakalikom ito nghalos 129 porsiyento higit sa inaasahan, at mula Enero hanggang Hunyo 2025, naabot na nitoang higit 70 porsiyento ng taunang prodyeksiyon.
Ayon kay Sotto, patunay ito na kayang panatilihin ng MTRCB ang operasyon nito habang pinangangalagaan ang pondo ng bayan.
“Ang pondong ito ay patunay na kayang gampanan ng MTRCB ang mandato nito habang iniingatan ang pera na ipinagkatiwala sa amin,” sabi ni Sotto. “Ang aming pananagutan sa sambayanang Pilipino ay hindi lamang nakasentro sa mandato kundi kasama rin dito ang katiyakang ang bawat pisong ipinagkatiwala ay pinangangasiwaan nang may integridad.”
Dagdag pa ni Sotto, para sa 2026 budget, ₱55 milyon lamang ang kabuuang hiling ng Ahensya na magmumula sa pambansang pamahalaan para sa sahod ng mga kawani. Ang natitirang bahagi ay sasagutin mula sa sariling kita ng MTRCB.
Noong Agosto, naghain ng resolusyon si Sen. Jinggoy Estrada na pahintulutan ang Ahensya na mapanatili ang bahagi ng kinikita nito para direktang magamit sa mga programa.
Layunin ng panukala na palakasin ang kakayahan ng MTRCB kabilang ang mga inisyatibo sa digitalisasyon upang isulong ang responsableng paggamit ng media.
Noong 2024, nakaribyu ang Board ng 267,080 na materyal, habang mula Enero hanggang Hunyo 2025 pa lamang, 103,390 na ang nabigyan ng angkop na klasipikasyon. Para naman sa pelikula, nalampasan ng MTRCB ang pre-pandemic peak nito noong 2019, mula 550 naging 582 na pelikula ang naribyu noong 2024.
Iniulat din ni Sotto na tumanggap ang MTRCB ng iba’t ibang parangal at pagkilala mula sa mga institusyon at ahensya.
Sa ilalim ng kanyang pamumuno, napabilang ang Ahensiya sa Hall of Fame bilang Outstanding eNGAS User at kinilala rin bilang Outstanding Accounting Office, na nagpapatunay ng kahusayan at mabuting pamamahala ng MTRCB. (ROHN ROMULO)