Kasama ang mga VMX babes sa ‘Wow, Mani!’: JANNO, good boy na at hindi na magre-react si BING pag na-link
- Published on January 17, 2025
- by Peoples Balita

Maghanda nang tumawa nang todo dahil narito na ang ‘Wow Mani’ mula sa VMX na puno ng maiinit na skits, mapangahas na humor at tawanan na tiyak na magpapainit sa viewers.
Sa mediacon, sinabi ni multi-talented singer-comedian Janno Gibbs na nila kinailangang magpaalam sa kaibigan na Joey para sa title ng show.
Sa teaser pa lang ay nakakaenganyo nang panoorin, na puno pa rin ng kaseksihan.
May dalawang segments si Janno na kilala sa kanyang signature wit at humor ang Injanno Jones (ang lider ng Mamadede Tribe) at bilang si quiz master Janno Depp (na spin-off sa ‘Battle of the Braless segment).
Mukhang sagana sa katatawanan na hatid ng mga sexy VMX babes ang bawat episode na ilalapag every Tuesday.
Kasama sina Jenn Rosa, Denise Esteban, Zsara Laxamana, Chloe Jenna, Sunshine Guimary, Krista Miller, Yda Manzano, Skye Gonzaga, Salome Salvi, Christy Imperial, Sahara Bernales, Ada Hermosa, Candy Veloso, Lea Bernabe, Aliya Raymundo, Angeline Aril, Jonica Lazo, at Sheena Cole.
May bonus pa dahil kasama nilang magpatawa dito mga VMX hunks na sina Nico Locco at Aerol Carmelo.
Sa rami ng sexy babes na kasama ni Janno, hindi ba nag-aalala si Bing Loyzaga na may na-link sa kanya?
“Sanay na siya, saka good boy na ako,” say ni Janno.
“Meron ba akong mini-message sa inyo? Raise your hands. (sabay tingin sa mga sexy VMX babes sa kanyang likuran) .”
Sabay biro niya ng, “wala pa, ha ha ha.”
Naka-can na ang buong Season 1 (with 12 episodes), kaya’t siguradong hindi ka mauubusan ng rason para tumawa. Mapapanood ang mga bagong episode every other Tuesday. Ang laugh fest mula rito ay garantisadong magbibigay ng sexy dose of fun sa iyong linggo.
Pero for sure, magkakaroon ito ng Season 2 na ibang batch of babes naman dahil marami pang VMX babes. Mula ito sa direksyon ni Director: Dominador Isip III.
Narito pa ang mga pasabog na segments ng ‘Wow Mani’:
Tricky Girl: Isang sexy host ang maghahatid ng tricky na mga tanong sa kalsada, na tiyak magdadala ng maraming tawa at awkward moments.
Tirsong Tuso Sketch: Sundan ang mga gagawing delikado pero nakakatawang desisyon ng isang sugarol na palaging may twist sa bawat taya.
Steam Bath Gag: Dala ng half-naked beauties ang isang riot na tawanan mula sa kanilang maiinit na banter.
Para i-stream ang ‘Wow Mani,’ punta na sa web.vivamax.net. Maaari ring mai-download ang app at mag-subscribe sa Google Play Store, App Store, at Huawei App Gallery.
Para makapagbayad gamit ang website, maaaring pumili sa EC Pay, 7 Eleven, All Day, All Day, Pay Mongo, GrabPay, GCash, or PayMaya. Para makapagbayad gamit ang app, maaaring pumili sa Globe, Smart, GCash, Paypal, Visa, or Mastercard. Para makapagbayad mula sa Ecommerce, maaaring pumili sa Lazada, Comworks, Clickstore, or Paymaya. Para makapagbayad mula sa authorized outlets, maaaring pumili sa Load Manna, Comworks, Cebuana Lhuillier, Palawan Express, and Load Central. Ang mga cable partners ng VMX ay SkyCable, Cable Link, Wesfardell Connect, Fiber, BCTVI, Cebu Cable, Zenergy HD, Cotabato Cable Television Network Corporation, at Concepcion Pay TV Network, Inc.
Nasa UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain, at Qatar rin ang VMX. Makakapanood na sa halagang AED35/month. Sa Europe, 8 GBP ang halaga ng VMX kada buwan.
Mayroon ring VMX sa Hong Kong, Japan, Malaysia, at Singapore, Indonesia, Thailand, South Korea, Taiwan, Brunei, Macao, Vietnam, Maldives, Australia, New Zealand, USA at Canada.
Para sa mas marami pang original Pinoy entertainment, mula blockbuster movies hanggang mga hit TV series, bisitahin ang vivamax.net. (ROHN ROMULO)