Kasama ang buong pamilya ni Cong. Jay: AIKO, sa Japan magpa-Pasko at may nag-iisip kung doon sila ikakasal
- Published on December 24, 2022
- by @peoplesbalita
DAHIL sa Japan sila magse-celebrate ng Pasko, may katanungan sa isip ng mga netizens; doon na rin kaya magaganap ang kasalang Aiko Melendez at Jay Khonghun?Taun-taon mula noong nagkaroon sila ng relasyon ay sa ibang bansa idinaraos nina Aiko at Jay ang Pasko, at ngayon nga ay sa Japan ang kanilang destinasyon.
Buong pamilya ni Congressman Jay ay kasama sa biyahe kaya may mga hindi maiwasang mag-isip kung magaganap na ba ang pinakahihintay na pag-iisang dibdib ng konsehala ng 5th District ng Quezon City at ng Kongresista ng 1st District ng Zambales.
Well, Pasko na bukas kaya malalaman rin natin. patuloy na napapanood si Aiko sa ‘Mano Po Legacy: The Flower Sisters’ ng GMA.
***
THE long wait will soon be over!
Inakala ng lahat na nitong 2021 ipapalabas ang ‘Voltes V Legacy’ sa GMA kaya maraming fans ang nabigo dahil hindi iyon natuloy.
Pero magbubunyi ang lahat lalo na ang nakasubaybay sa Voltes V na unang napanood noong 1977 dahil tiyak na ang pag-ere nito na ngayon nga ay live adaptation ng GMA ng sikat na Japanese anime sa ikalawang quarter ng 2023!
“Voltes V: Legacy will definitely air second quarter of 2023,” pagkukumpirma ng direktor na si Mark Reyes.
Isa pang kumpirmasyon nito ay ang trailer preview ng ‘Voltes V Legacy’ na dinaluhan ng buong cast ang buong cast na sina Miguel Tanfelix, Ysabel Ortega, Radson Flores, Matt Lozano at Raphael Landicho.
Dinaluhan din ang preview nina SVP for Entertainment Group Lilybeth Rasonable, First Vice President and Head of Post Production Department Paul Hendrick Ticzon, GMA Entertainment Group VP for Drama Cheryl Ching-Sy at AVP for Drama Helen Rose Sese.
Very happy and proud ang cast sa itinuturing na isa sa pinakamalaking proyekto ng GMA Network.
“Sa lahat ng cast na napanood namin, bawat labas nila, shini-share namin sila kasi ang tagal naming hindi, kung ano ang hitsura noong mga sarili namin sa screen, anong hitsura ng characters namin sa Voltes V. So noong nakita namin lahat kami tuwang-tuwa,” sabi ng leader na si Miguel.
(ROMMEL L. GONZALES)