• February 17, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kasalang Bayan 2026 Handog ng butihing Singing Mayor Allan De Leon para sa pagdiriwang ng Hamaka Festival 2026

ISANG daan at tatlumpu’t isang magsing- irog ang ikinasal at dumalo sa Kasalang Bayan na ginanap ika -13 ng Pebrero, 2026 sa Kalayaan Park, Taytay Rizal.

Ito ay pinangunahan ng The Singing Mayor Allan M. De Leon sa nasabing seremonya kasama ang Pangalawang Punong Bayan na si Vice Mayor JV Cabitac at ang Sangguniang Bayan nito.

Sa umpisa ng Seremonya ay nagkaroon muna ng isang seminar mula sa Municipal Health Office ukol sa Pagplaplano ng Pagbuo ng Pamilya.

Sinundan ito ng isang makabuluhang Seremonya ng kasal upang pagtibayin ang pagsasama ng mag- asawa at maging legal ang pagsasama.

Ang nasabing Kasalang Bayan 2026 ay parte ng Hamaka Festival 2026 na nagsimula noong Enero 31, 2026 na magtatapos hanggang sa ika -22 ng Pebrero taon kasalukuyang.
(Kim Bornella/ Photos Boy Morales Sr.)