Karnaper na wanted sa Batangas, timbog sa Valenzuela Police
- Published on September 27, 2025
- by @peoplesbalita
TIKLO ang isang 41-anyos na lalaki na wanted sa kaso ng carnnaping sa Batangas nang matunton ng pulisya sa kanyang pinagtataguang lugar sa Valenzuela City.
Pansamantalang nakapiit ngayon ang akusado sa Custodial Section Facility Unit ng Valenzuela City police habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa korte.
Batay sa ulat, nakatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ni Valenzuela Police Acting Chief P/Col. Joseph Talento na nagtatago umano sa lungsid ang akusado na kabilang sa mga Most Wanted Person sa Batangas.
Nang makakuha ng kopya ng warrant of arrest na inisyu noong January 25, 2023, ng Regional Trial Court (RTC), Branch 87, Rosario, Batangas ang mga tauhan ni Col. Talento, ay agad nilang ikinasa ang pagtugis sa akusado.
Dakong alas-9:40 ng gabi nang madakip ng mga operatiba ng Station Intelligence Section ng Valenzuela Police ang akusado sa Sto. NiƱo Street, Barangay Mapulang Lupa, sa bisa ng arrest warrant para sa kasong New Anti-Carnapping Act of 2016 (R.A. 10883).
Ayon kay Col. Talento, may inirekomenda namang piyansa ang korte na halagang P300,000.00 para sa pansamantalang paglAya ng akusado. (Richard Mesa)