• March 6, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kapuso Big Winner sa ‘PBB: Celebrity Collab Edition 2.0’… CAPRICE, ido-donate ang bahagi ng napanalunan sa charity foundation

SA interview ni Kapuso Big Winner Caprice Cayetano sa “24 Oras Weekend” sinabi niya na ido-donate sa charity foundation ang bahagi ng isang milyon na kanyang napanalunan sa ‘Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition 2.0’.
“Gusto ko po i-save and makapag-help din po sa mga tao na nangangailangan,” say ni Caprice.
“Ang naisip ko pa talaga ay Little Ark Foundation para sa mga bata po na nangangailangan non.”

Si Lella Ford naman ang itinanghal na Kapamilya Big Winner.
Ang 2nd Big Placers ay sina Kapuso Heath Jornales at Kapamilya Krystal Mejes; 3rd Big Placers sina Kapuso Ashley Sarmiento at Kapamilya Joaquin Arce; at 4th Big Placers naman sina Kapamilyang Miguel Vergara at Kapuso Princess Aaliyah Kapuso.
Samantala, sa pamamagitan ng Instagram story nitong Linggo, March 1, ibinahagi ni Caprice ang labis na pasasalamat sa lahat ng taong sumuporta.
“Una sa lahat, hindi ko po inakala ang mga nakita ko kagabi. Hindi ko rin po in-expect ang support na natatanggap ko ngayon, kaya sobra po akong nagpapasalamat.
Maraming maraming salamat po sa inyong lahat!” Pahayag ng dalaga.
“Nagpapasalamat po ako at ang buong pamilya ko. Thank you so much po sa love and support! Sobrang grateful po kami sa inyong lahat!”
Nagbigay din mensahe si Caprice sa mga kabataan, “Sa lahat ng kabataang Pinoy, let’s always look at the bright side of life!”
Congrats Caprice at tiyak na marami pang blessings ang darating sa ‘yo!

(ROHN ROMULO)