Kapalaran ni Duterte, nasa kamay na ng DILG
- Published on July 2, 2025
- by @peoplesbalita
NASA hurisdiksyon na ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang kapalaran ni dating Pangulong Rodrigo Duterte bilang Davao City Mayor, ayon sa Commission on Elections (Comelec).
Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, hangga’t walang nakabinbing kaso ang mga nanalong kandidato sa Comelec, ang kanilang hurisdiksyon ay ililipat sa DILG.
Sa ilalim ng succession, sinabi ni Garcia na ang naproklamang Vice Mayor ang magsisilbi bilang acting Mayor.
Sinabi ni Garcia na ang nanalong kandidato na nasa labas ng bansa ay maaaring manumpa sa ambassador o Philippine Consul General.
Ani Garcia, walang nakalagay sa ating batas kung saan pupuwedeng mag-oath ang isang tao.
Ang dating Pangulo ay naaresto noong Marso 11 paglapag mula Hong Kong sa kahilingan ng International Criminal Court (ICC) kaugnay sa imbestigasyon sa kanyang war on drugs. (Gene Adsuara)