• October 23, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 23, 2025
    Current time: October 23, 2025 1:25 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kapag napatunayang nagkasala sa ‘ crimes against humanity’: Dating PDU30, maaaring magbuno ng 30 taon o habambuhay na pagkabilanggo

MAAARING maharap si dating Pangulong Rodrigo “Digong” Roa Duterte sa 30 taon na pagkabilanggo o habambuhay na pagkabilanggo kapag napatunayang nagkasala sa ‘crimes against humanity’ ng International Criminal Court (ICC) na may kinalaman sa kanyang war on drugs.

 

“Based on the law, the penalty could reach up to 30 years imprisonment but it depends upon the defenses that can be availed of by the former president,” ang sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang.

 

Base sa website ng ICC, “the tribunal does not impose the death penalty, but its judges can sentence a person to up to 30 years of imprisonment, and under exceptional circumstances, a life sentence.

 

Verdicts are subject to appeal and judges can also order reparations for the victims.”

 

 

Sinabi ni Castro na “It depends upon the ICC” kung magiging applicable sa dating Pangulo ang makulong ito ng 30 taon o habambuhay na pagkabilanggo kung mapatutunayan na nagkasala sa ‘crimes against humanity.’

 

 

Ang pag-aresto kay Digong Duterte, 80 taong gulang ng International Criminal Police Organization (Interpol) at lokal na pulis ay nag-ugat sa nagpapatuloy na imbestigasyon ng ICC sa alegasyon na ang anti-drug campaign ng dating Pangulo ay nagresulta ng libo-libong extrajudicial killings nang siya ay isa pa lamang Alkalde ng Davao City at Pangulo ng bansa.

 

 

Sinabi pa ni Castro na haharapin ni Digong Duterte ang lokal na korte sa Netherlands para idetermina kung ang pag-aresto sa kanya ay tama bago pa dalhin sa ICC para harapin ang reklamo laban sa kanya. (Daris Jose)