• October 19, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 19, 2025
    Current time: October 19, 2025 6:43 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kampo ni Obiena, umaasang ‘di maaapektuhan ng rally at bagyo ang World Pole Vault Challenge

UMAASA ang mga tagasuporta ni Pinoy Olympian Ernest John “EJ” Obiena na hindi maaapektuhan ng inaasahang malaking rally at bagyo sa Setyembre 21 ang kauna-unahang international pole vault event sa bansa, ito ang Atletang Ayala World Pole Vault Challenge, na pangungunahan ng top Filipino vaulter.
Gaganapin ang prestihiyosong paligsahan sa Ayala Triangle Gardens sa Makati, kung saan inaasahang dadagsa ang mga manonood upang masaksihan ang world-class na kompetisyon sa pole vault, isang bihirang pagkakataon sa kasaysayan ng Philippine sports.
Kasama ni Obiena sa kompetisyon ang walong world-ranked pole vaulters mula sa iba’t ibang bansa, kabilang sina:
:
🇺🇸 Austin Miller at Matt Ludwig (USA)
🇫🇷 Thibaut Collet (France)
🇩🇪 Oleg Zernikel (Germany)
🇵🇱 Piotr Lisek (Poland)
🇹🇷 Ersu Sasma (Turkey)
🇧🇪 Ben Broeders (Belgium)
🇳🇱 Menno Vloon (Netherlands)