• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 21, 2025
    Current time: October 21, 2025 12:20 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kampanya laban sa terorismo paiigtingin pa ng gobyerno – PBBM

TINIYAK ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na lalo pang palalakasin ng gobyerno ang kampanya nito laban sa teroristang grupo na patuloy na naghahasik ng karahasan.Ginawa ng Pangulo ang pahayag matapos binigyang pugay ang anim na sundalo na nasawi sa enkwentro laban sa teroristang Dawla Islamiyah sa Lanao del Norte.

 

 

Sinabi ng Pangulo kailanman hindi makakalimutan ang ipinakitang katapangan,kadakilaan at kabayanihan ng anim na sundalo na inalay ang kanilang buhay sa ngalan ng kapayapaan.

 

 

Siniguro ng Presidente na hindi masasayang ang ipinaglaban ng mga nasawing sundalo dahil ipagpapatuloy ng gobyerno ang kanilang laban at sisiguraduhin na mananagot ang mga kalabang ito sa batas.

 

 

Pangako ng Pangulo na makakatanggap ng karampatang tulong mula sa gobyerno ang mga naulilang pamilya ng mga nasawing sundalo.

 

 

Inatasan din nito ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na paigtingin pa ang kampanya laban sa terorismo.

 

 

Kasalukuyang nagpapatuloy ang manhunt operation ng 1st Infantry Division ng Philippine Army. (Daris Jose)