• October 19, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 2:39 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kamara, nakatuon sa pagtulong sa mga magsasaka at patatagin ang presyo ng bigas.

IGINIIT ni Speaker Faustino “Bojie” Dy III na mas nakatuon ngayon ang Kamara na tugunan ang mahahalagang alalahanin tulad ng pagtulong sa mga magsasaka at patatagin ang presyo ng bigas.

“Marami tayong mga problema sa ating bansa. Dapat unahin po natin muna yung mga bigyan ng solusyon. Kita niyo po yung daing ng ating mga farmers. Yan po yung aming talagang tinututukan ngayon,” pahayag ng Speaker sa isang radio interview.

Nakipagpulong na rin aniya siya kay Sen. Kiko Pangilinan at mga opisyal mula sa Department of Agrarian Reform (DAR), Dng epartment of Agriculture (DA), National Food Authority (NFA), at ilang lokal na opisyal upang talakayin ang mabilis na pagtulong.

Kabilang sa mga proposals na natalakay ay pagbabalik ng rice import tariff mula 15% sa 35%, paglimita sa rice importation, at pag-atas sa mga government agencies, partikular na sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), na gawing prayoridad ang pagbili sa locally produced rice.

Dagdag nito, nagkasundo silang lahat na dapat bumili ang gobyerno ng mga local rice at hindi imported.

According pa sa Speaker, “kung maaari lamang na lahat ng ating mga government agencies, lalo na ang DSWD, huwag na sana munang bumili ng imported rice. Kailangan locally produced rice ang bilhin ng ating pamahalaan.”

Sinabi ng Speaker sa tanong ukol sa naging media posts na maghahain umano si Dasmariñas City Rep. Francisco “Kiko” Barzaga ng impeachment complaint laban kay Pangulong Marcos, na wala pa namang isinampa sa Kamara na reklamo laban sa presidente.

“Wala pa naman kaming natatanggap, pero alam ninyo, marami po tayong mga dapat asikasuhin,” pahayag nito.

Siniguro naman ng Speaker sa publiko na sa ilalim ng kanyang liderato, patuloy ang kamara sa pagtutok sa mga polisiya
na susuporta sa mga magsasaka, magpapalakas sa food security, isulong ang accountability at magpatupad ng maaayos na programa para sa mamamayan.
(Vina de Guzman)