• April 7, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kalagayan ng kalusugan ni PBBM, maayos- Malakanyang

MAAYOS ang kalagayan ng kalusugan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
“Definitely!”, ang naging tugon ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro nang tanungin ukol sa kalagayan ng kalusugan ni Pangulong Marcos matapos na hindi nakadalo ang huli sa Bayanihan Para sa Balikbayang Manggagawa: A National Reintegration Network (NRN) Fair sa Quezon City Meetings, Incentives, Conference and Exhibition (M.I.C.E.), Quezon City Hall Compound, Diliman, Quezon City, araw ng Lunes, Abril 6, 2026.
Sa katunayan ayon kay Castro, pangungunahan ng Pangulo ang OathTaking Ceremony ng Vice-Mayor League of the Philippines National Executive Officers sa Presient’s Hall, Palasyo ng Malakanyang ngayong araw ng Lunes,
Buweltang tugon pa rin ni Castro kung kanino galing ang balita na may sakit ang Pangulo.
May mga kumalat kasi ayon sa ulat at sa social media na may stage 4 colon cancer ang Pangulo.
“Tayo naman po ay mainstream media. Siguro, mas mangingibabaw dapat ang mainstream media kaysa sa socmed na walang basehan. So, huwag po tayong masyadong maniwala. ang dami-dami pong fake news pati po ako ay binibiktima ng fake news,” ang sinabi ni Castro.
“Maayos po siya,” ang muling panggigiit ni Castro hinggil sa kalagayan ng kalusugan ng Pangulo. ( DARIS JOSE)