Kai Sotto hindi muna makakasama sa mga laro ng Gilas ngayong taon
- Published on January 31, 2025
- by Peoples Balita

Sinabi ni Gilas coach Tim Cone, na maaaring tumagal pa ng isang taon ang paggaling ni Sotto sa kanyang torn ACL sa tuhod nito kaya imposible na makasama siya sa torneo na gaganapin sa Saudi Arabia.
Dahil dito ay target nilang makasama si Sotto sa World Cup qualifiers sa susunod na taon.
Umaasa naman si Cone na magiging matagumpay ang isasagawang operasyon ni Sotto sa buwan ng Pebrero.
Bilang kapalit ng 7-foot-2 na si Sotto ay si Troy Rosario na sasabak na sa Asia Cup Finals Qualifiers sa susunod na buwan.
Dito ay makakaharap ng Gilas ang Taiwan at ang New Zealand.
Magugunitang natamo ni Sotto ang kaniyang injury sa paglalaro niya sa Japan B. League nitong Enero.