Kahit nasa labas na sila ng ‘Bahay ni Kuya’: AZ at RALPH, mas matibay ang koneksyon at patuloy na kinakikiligan
- Published on September 18, 2025
- by @peoplesbalita
ISANG single parent si Candy Pangilinan na nakatuon ang atensyon sa pag-aalaga sa kaniyang anak na si Quentin na may special needs.Kumusta naman kaya estado ng kaniyang puso pagdating sa lovelife?
Sa vodcast na “Your Honor,” tinanong si Candy kung ano ang kanyang ginagawa sa tuwing nami-miss ang magkaroon ng nobyo.
“Bumabarkada, uma-accept ng date, tapos pagkatapos ng konting oras napapagod din ako,” birong sabi ni Candy.
“Sayang oras, inaantok na ako. Importante ang tulog. Maaga ako bukas, magigising ang anak ko,'” biro pa niya na tumatakbo raw sa isip niya minsan sa tuwing nakikipag-date.
Natutunan daw ni Candy na maging kuntento sa kung ano ang nandiyan. Di na raw siya naghahanap ng kung anu-ano pa.
“Siguro dahil natuto rin ako kay Quentin. Kung anong meron du’n tayo. Kung anong wala tayo, huwag na natin hangarin. Kung anong dumating, thank you,” diin pa niya.
***
MULA sa loob ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition hanggang sa labas ng Bahay ni Kuya, tuloy-tuloy pa rin ang kilig ng fans kina AZ Martinez at Ralph de Leon.
Kamakailan, bumida ang dalawa sa music video ni Le John na “Naiilang.” Labis na kinilig ang fans sa kanilang chemistry, mula sa simpleng tinginan hanggang sa mga simpleng ngiti ng duo.
Ibinahagi ng Kapuso actress ang saya na makatrabaho si Ralph.
“I really had fun working with him as in ang galing niya ka-work and ang galing niya mag-acting. Like feel na feel namin nasa music video kami and we we really enjoy. Parang we weren’t working at all. Parang we were just hanging out. Just doing what we usually do.“
Aminado rin si AZ na mas naging matibay ang koneksyon nila ni Ralph ngayon na nasa outside world na sila.
“I think I can say na mas naging close kami paglabas ng bahay. Sobrang thankful talaga ako for them.
“Alam mo, sobrang ma-effort talaga sila. Lagi sila nandyan sa every ganap ko which I really appreciate kasi parang they take the time and effort. I feel so loved as in parang nava-value talaga ako ng sobrang sobra kasi lagi sila nandoon.“
(RUEL J. MENDOZA)