• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 6:37 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kahit in-announce na magtatapos na ngayong Agosto: Hit action-serye ni COCO, ‘di pa rin tinatantanan ng mga kritiko

KAHIT na may anunsiyo na si Coco Martin noong Biyernes, July 21, na magtatapos na ang FPJ’s Ang Probinsyano after a magnificent seven-year run, hindi pa rin ito tinatantanan ng mga kritiko.

 

 

Tama lang daw na magtapos na ang palabas. Sawa na raw sila sa panonood ng actions series ni Coco. Sabi nung ibang netizens naguguluhan sila sa nagiging takbo ng kwento. Dagdag pa nila, hindi na raw realistic ang takbo nito.

 

 

Pero kahit na ano pa ang sabihin ng mga bashers ng programa, maraming napasayang televiewers ang FPJ’s Ang Probinsyano.

 

 

Hindi lang ito naging source ng entertainment. Thru the show ay nakatulong si Coco na ma-revive ang career ng maraming mga artista, both male and female, by giving them a chance na lumabas sa FPJAP.

 

 

Sabi ng isang cast member na aming nakausap, kahit papatapos na ang show, marami pang mga magagandang eksena na dapat abangan.

 

 

Kung nanonood kayo ng FPJAP ngayon, mapapansin ninyo na maraming cast members ang nagpapasalamat kay Coco dahil sa oportunidad na ibinigay sa kanila to be part of the show.

 

 

Wala pang balita kung ano ang susunod ng project ni Coco sa Dreamscape Television. Pero may bali-balitang baka ang remake ng ‘Batang Quiapo’ nina FPJ at Maricel Soriano ang next teleserye niya at si Julia Montes ang ka-partner.

 

 

Sa ngayon, magdidirek muna si Coco ng movie nila ni Jodi Sta. Maria titled Labyu with an Accent na entry sa Metro ManilaFilm Festival 2022.

 

 

***

 

 

LABIMPITONG (17) nominasyon mula sa FAMAS ang nakuha ng pelikulang KATIPS na prinodyus ng Philippine Stagers Foundation.

 

 

Kabilang sa nominasyon na nakamit ng pelikula ay Best Picture, Jerome Ponce at Vince Tanada (Best Actor), Nicole Laurel Asencio (Best Actress), Mon Confiado at John Rey Rivas (Best Supporting Actor), at Best Screenplay (Vince Tanada).

 

 

Nominated din ang Outpost Visual Frontier at Don Don Mendoza para sa Best Sound.

 

 

Pawang bigatin ang kalaban ng KATIPS sa Best Picture Award. Kabilang dito ang Big Night, Kun Maupay Man ang Panahon, Arisaka, at A Hard Day.

 

 

Ikinagalak ni Vince Tanada, artistic director ng Philippine Stagers Foundation ang mga nominasyon na kanilang natanggap sa FAMAS.

 

 

Para kay Vince, big deal na ang production nila at ang pelikulang KATIPS ay napansin ng mga hurado ng FAMAS.

 

 

Good luck sa mga nominees at congratulations in advance sa mga magwawagi sa awards night on Saturday, July 30, na gaganapin sa Metropolitan Theater.

 

 

(RICKY CALDERON)