• October 24, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 24, 2025
    Current time: October 24, 2025 1:23 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kahit abala sa taping ng maaksyon na serye: RURU, isinisingit para makapunta sa gym at mag-workout

BUSY sa taping ng pinagbibidahan niyang action-adventure series na ‘Lolong: Bayani ng Bayan’ si primetime action hero Ruru Madrid.

Gayunpaman, hindi niya kinakalimutang alagaan ang kanyang katawan.
Bilang bida ng serye, kailangan niyang maging malusog at malakas. Bukod dito, kailangan din ay maganda ang kanyang pangangatawan para sa maraming fight scenes dito.
Kaya naman kahit abala sa taping, humahanap ng paraan si Ruru na isingit ang oras para makapunta sa gym at mag-workout.
Sa isang maikling video na ibinahagi niya sa Instagram, ipinakita ng aktor ang ilang bahagi ng session niya kasama ang longtime fitness coach niyang si Ghel Lerpido.
“Bulking season’s over–time to cut down. Let’s get it,” capation ni Ruru sa kanyang post.
Samantala, ibinahagi din ni Ruru ang ilan pang mga bagay na dapat abangan sa susunod na episodes ng ‘Lolong: Bayani ng Bayan.
Magiging bahagi ng cast nito ang viral sensation at ToRo Family member na si Mikay.
***
AYON kay ‘The Boobay and Tekla Show host’ na si Super Tesla, may mangilan-ngilan pa ring nagdududa sa kaniyang gender identity.
Meron pa ring iilan na nagdududa kung straight ba talaga si Super Tekla, lalo na’t madalas siyang magdamit pambabae tuwing lumalabas sa TV o nagpe-perform sa mga events.
“May mga mangilan-ngilan. Sabi, ‘Ano ba talaga ang identity mo?’ Dati kasi Tito Boy, naging parang ano ako, lalaki, para akong mag-aayos ng aircon. Alam mo ‘yung ganun?” sabi ni Tekla.
Ngunit ayon sa kanya ay hindi ito umubra para sa kanya bilang performer at sa halip ay mas naguluhan pa umano ang mga manonood kung isa ba talaga siya sa mga performers.
“’Yung nag-dress up ako ng girl, lumabas ‘yung character ko, so in-embrace ko ‘yun pero I’m totally a guy, straight,” sabi ng komedyante na ang tunay na pangalan ay Romeo Librada.
Kainailangan daw maging “madiskarte” sa entertainment industry para mapansin siya.
“Ina-adapt ko na lang siya, kasi kailangan mong maging madiskarte rito… Kung kailangan mong sumabay, kung saan ka, wala namang masasagasaan. You have to build your character, you have to build your own identity na ikaw ‘yan,” saad niya.
Sa katunayan, nakabihis-lalaki siya sa normal na buhay o kapag hindi nagpe-perform. Sinabi rin niyang isa siyang ama sa tatlo niyang anak, kabilang na ang isang teenager na si Aira.
***
ASIDE sa dalawang musicals na ginagawa ni Lea Salonga, magbibida rin ito sa ‘The Vale: Origins’ na isang hybrid live-action and animated short film na hango sa forthcoming middle grade novel of the same name by Abigail Hing Wen.
The short film is in post production and slated for completion this summer. Tungkol ito sa Lee family na nagkaroon ng healing and connection sa naimbento ng kanilang anak na sa virtual reality fantasy world.
Makakasama ng Tony Award winner sa project ay sina Robert Palmer Watkins, Egan Xander, and Janet Hsieh.
Isa rin si Lea sa mga executive producers ng ‘The Vale: Origins.
 
(RUEL J. MENDOZA)