• April 18, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kabilang sa nag-congratulate ang estranged husband na si Pancho: MAX, ni-reveal na makakasama si CHRISTIAN KANE sa season 2 ng ‘Amazing Paradise’

NANG huli naming makausap ang Kapuso actress na si Max Collins, nabanggit na niya na may kina-e-excite siyang project, pero confidential pa kaya hindi pa niya ma-reveal.

 

 

So, obviously, ito pala ang ‘Amazing Paradise’ season 2 na napapanood sa Amazon Prime. Natapos ang season 1 nito noong May 2021 and since then, may clamor na nga for season 2.

 

 

Ang ‘Amazing Pardise’ ay isang American-Filipino crime drama TV series na ang nag-produce ay si Dean Devlin at Gary Rosen. At ito rin ang kauna-unahang serye na entirely ang kinunan sa Pilipinas.

 

 

Bida ng serye ang American actor na si Christian Kane at sa Instagram post nga ni Max, kasama niya ito. At sa caption niya, “Secret’s out! I’m part of Almost Paradise season 2! Can’t wait for you all to watch it on Amazon Prime.

 

 

“So lucky I get to work with this action star, @christiankane1.”

 

 

Maraming mga celebrities na nag-congratulate kay Max. Kabilang na rito ang asawa o estranged husband na ba niya na si Pancho Magno nag-comment ng clap emojis at nag-thank you naman si Max.

 

 

***

 

NILUNSAD si Toni Gonzaga bilang bagong celebrity endorser ng online shopping na Shopee.

 

 

Pero hindi kaya napapaisip na ngayon ang management kung tama o mali ang pagkakapili nila rito para maging endorser?

 

 

The very minute pa lang na may paandar na pa-‘guess who’ kung sino ang new endorser, inulan na ng mga negative comments ng mga netizens ang Shopee.

 

 

Nag-trending nga sa Twitter na lang ang mga hashtags na “Toni Gonzaga,” at “Bye Shopee.” Sigurado rin na aware na by this time ang mga ito sa mga nag-delete ng app na Shopee at sa kalabang online shopping app na lang daw sila.

 

 

Yes, cancelled culture is so in thing now. Pero mukhang mas sa part ni Toni. Kahit ‘yung teaser ng bago niyang movie kunsaan, teacher ang role niya, ang savage rin ng mga comments.

 

 

Sa isang banda, nakita namin na kahit ang veteran actor na si Jaime Fabregas ay nag-tweet na dinilete na niya ang app niya. Ni like rin ni Edu Manzano ang tweet na ito.

 

 

Sabi ni Jaime, “I have deleted my Shopee account. Matagal ko nang gustong gawin dahil sa gastos pero ngayon nagkaroon ng mas malalim na dahilan.”

 

 

At sobrang dami pang negative comment patungkol kay Toni. Hindi rin naman maitatanggi na may mga nagtatanggol at nagko-congratulate sa kanya sa bagong raket, pero dami talagang hate comments at ‘di siya ma-take.

 

 

 

(ROSE GARCIA)